Tuesday, February 5, 2013

Ang Simula

Kabanata I

Ako si Abraham  at  ito ang kwento ko, Taong Tatlong Libo at siyam na raan, 3900. Naninirahan kami sa tabi ng dagat, Isang liblib na isla na tinatawag ZARAHEMLA. Ang Isla namin ay napapalibutan ng ulap, sabi ni  Itay isa daw itong proteksyon para hindi matuntun ng tagalabas ang aming isla.  Ako ang panganay sa tatlo kung kapatid.  Namuhay ako sa simpling pamilya.  Tuwing umaga ang ginagawa ko ay tumutulong ky itay sa bukid sa pagsasaka at pagkatapos nang gawain sa bukid ay naglalaro kami ng aking mga kapatid. Pagmalapit na ang paglubog ng araw ay pumupunta kami ng mga kapatid ko sa burol para magpasalamat sa Dios sa mga biyayang ibinigay nya sa aming pamilya at ka isla, sariwang hangin, at masaganang ani.
Isang malamig na hapon, nang nakaupo kami ng mga kapatid ko sa kubo kasama si itay, ay nagkwento sya tungkol sa aming mga ninuno nuong unang panahon na  nanirahan sa mga misteryusong mga pulo at isla na kung tawagin ay mundo, sabi sa kwento na sinakop ng kampon ni Coriantumr isang kampon ng kadiliman na gumagawa ng lihim na kumbinasyon, isang kahindik hindik ang sinapit ng pagsakop, sinabi sa kwento na ang sino mang hindi sumunod  kay Coriantumr ay kanilang pinapahirapan bago nila ito papatayin. Kailangan na sambahin nila ang mga diyos-diosan, Maraming namatay na mga nananampalataya sa Dios at hindi sumunod kay Coriantumr.

Ang labi ng mga tao ay itinatapon sa daan kaya nangagamuy agnas ng katawan ng tao ang lungsod at maraming nagkakasakit na mga buhay maliban sa mga halimaw na kinakain ang mga labi ng mga tao. Sabi ni itay ang iba ay nagtatago sa mga bundok sa mga kaaway, na naghihintay na isang araw may magliligtas sa kanila. Ang mga grupo naman na naglakbay sa dalampasigan ay aming mga ninuno, na syang nakarating sa islang ito. Buhat noon ay hindi na silang nagtangkang bumalik at namuhay ng mapayapa sa isla namin.
Pagkatapos magkwento ni Itay ay tinanong nya ako kung naniniwala ako sa kanyang kwento, ngumiti nalang ako at nagsabi sakanya na nalilibang ako sa tuwing mag kwekwento sya pero hindi ako naniniwala.  Sabi naman ni itay na darating ang araw na maiintindihan ko rin ang ibig nyang sabihin.

Sa isla namin ang aming kinabubuhay ay pangingisda, pagsasaka, pag aalaga ng mga hayop, at iba pang gawaing bukid. Malayo kami sa sibilisasyon, hindi ko nga alam ang ibig sabihin ni itay na cellphone at TV, sakin kathang isip lamang, kwentong baryo ika nga.

Dito ang karamitang libangan ng mga tao ay palakasan, dahil sa aming Isla ay tinatawag kaming pinakamalakas sa buong isla sabi ni tandang Helaman, isa syang ermetanyo, namumuhay sya sa paglalakbay sa ibat-ibang mga Isla.  Ginagawa nya ang pagsusulat sa mga lami ng tanso bilang talaan ng kasaysayan ng aming mga ninuno, mahiwaga si Tandang Helaman, sabi pa sa kwento na sya lang ang nakakaalam  ng mga lagusan at makakapasok dito sa ibat ibang mga Isla. Sabi pa na nakarating na sya sa pinagbabawal na lungsod ang Lungsod ng Irreantum. Halos lahat kami ay hindi pa alam ang pinanggalingan at tunay na pagkatao ni Tandang Helaman. Ang nalalaman lang namin ay matalino sya at mahiwaga.

Bawat isang buwan sa isang taon, ay may tinatawag kaming pyesta ng pagkakalaya, ito daw ang araw na dumating ang mga ninunu namin sa islang ito. At inaasahan na darating si tandang Helaman. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay dumating nga si Tandang Helaman at nakisalo sa kasiyahan. Sa tuwing pyesta lamang pumupunta si helaman sa aming Isla. Sa gitna ng kasiyahan ay inaabangan ng lahat ang sasabihin ni Tandang Helaman.

 Nang dumating na ang oras na magsasalita na si Tandang Helaman ay nagsitahimik ang lahat. Umakyat si Tandang Helaman sa Maliit na burol para marinig ng lahat ang kanyang sasabihin, umupo sya sa silyang gawa sa kawayan at nagwika “mga kapatid, nagpapasalamat ako sa araw na ito, isa na namang taong ibinigay sa atin ng Lumikha na tayo ay nabubuhay nang mapayapa, nagkaroon ng masaganang ani, sa buhay na ibinigay sa atin, at higit sa lahat pamilya namayroon tayo.  Ito rin ang araw na nakarating ang mga ninunu ninyo sa Isla ng Zarahemla Isla ng pag-asa. Sa panahong ito gusto kung ipaalam sa lahat na ang taong aking hinihintay ay dumating na. Ang araw nang paghahanap sa mga itinakda. Itinakda na syang magliligtas sa mga kapatid natin na naniniwala sa Dios na naiwan sa Irreantum.  

Para malaman ang isang itinakda ay magkakaroon ng pagsubok, sa lahat ng kabataang lalaki at babae. Bukas sa bukang liwayway ay magsisimula ang pagsubok. Kaya ang lahat ng mga kabataang lalake at babae ay mag handa.” sabi ni Tandang Helaman.  Pagkatapus na magsalita ni Tandang Helaman ang lahat ay namangha, pati si Itay at Inay. Pero hindi ako, hindi ako naniniwala sa mga kwento nya, walang  Irreantum at pagsasayang lamang ng panahon ang gagawin nila,  para sa akin kalukuhan lang ang pagsubok na gagawin kaya pinag isip-isip ko na mas mabuti pang umakyat na lamang sa bundok at magpalipad ng saranggola kaysa dumalo sa isang pagsubok na wala namang katuturan.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!