Sunday, November 10, 2013

Doing the wrong thing in a right purpose

Narinig ko kanina sa isang speaker, sinabi nya kung pwede ba nating o nilang idahilan na ginagawa ko ang mali para sa tamang layunin? ang nangyari sa Takluban yung niloob nila yung mga business establishment para makakuha ng pagkain, at di alintana pati yung mga appliances ay kasama. Tama yung layunin nila ma makakain, pero tama ba ang kanilang ginagawa?

Isa sa mga ginawa ng ating pamahalaan ay nag bigay ng babala kasama ang radyo at sa telebisyon sa darating na super typhoon yolanda. Ang mga bagay na bumabag saking isipan ay, naghanda ba sila ng pagkain na aabot sa sa tatlong araw? d naman kailangan na mahal yung mga pagkain na kanilang bibilhin. Ilang mga araw ay nagbabala na ang medya ayun sa darating na bagyo, nakalipat ba ang lahat o karamihan sa evacuation center?

Kasi para sa akin hindi natin pwedeng sabihin na gagawa ako ng mali, o magnanakaw ako tama naman ang aking intinsyon pero d alam na mali. Ang tama ay hindi pweding maging mali.

Pero may napanood ako na isang pinikula hindi kona maalala ang Title ng kwento.

Mag-asawa pangalanan nating mike at jane, mayroon silang isang anak siguro nasa 4 years old. Sa kwento si mike ay isang guro at si jane naman ay nagtratrabo sa isang kumpanya.  Nagsimula ang kwento ng isang araw si jane ay nagkaroon ng sagutan sa kanyang boss, nang bumaba ang boss pasakay na sa kanyang sasakyan ay may nakaabang na isang tao at hinampas ito ng fire extinguisher sa kanyang ulo hanggang mamatay, nakasuot ito ng guwantis para d malaman ang finger prints nito nang mapatay na ang lalaki ay inilagay nya ito sa mismomg sasakyan ng lalaki. Inilagay ng masamang taong ang panghampas nito malapit sa sasakyan at tumakbo, nabangga panga nya si jane sa pagmamadali, natanggal panga ang boones sa damit ng killer, humingi pa ng sorry si jane pero d naman ito pinansin ng killer at patuloy parin sa paglalakad papalayo sa pinangyarihan.

Nang makarating si jane sa kanyang sasakyan na katabi naman ang sasakyan ng kanyang boss, ay nakita nya ang fire extinguisher na nasa gitna ng pintuan nya at ng kanyang boss, inakala panga nya na yung boss nya ang naglagay doon. Kinuha nya ito at inilagay sa tabi, di namalayan ni jane na nalagyan ng finger prints nya yung fire extinguisher dahil sa kanyang pagkakahawak, at naduguan ang kanyang damit galing sa hinawakan nya. Sa huli sya yung pinag bibintangan at ikinulong ng ilang mga araw for invistagation and pag nalaman na guilty ay iliipat bna sa isang bilangguan na doon inilalagay ang lahat na masamang tao o may mataas na kaso. Alam ni mike na walang kasalanan ang kanyang asawa at masisira ang kanilang pamilya sa mahabang panahon, dahil sa kasalanang di naman ginawa ni jane.

Sa kabilang banda di nawalan ng pagasa si mike, gumawa sya ng paraan ilalabas nya ang kanyang asawa bago ilipat sa malaking bilanggoan, naghanap sya ng isang tao na makakatulong sa kanya, nakiapgayos sa isang jail breaker, at ayon sa plano na tuturuan sya ng mga pamamaraan pano ilabas ang kanyang asawa na si jane. Sa huli nailabas nya ang kanyang asawa sa bilang-guan bago ilipat sa isang bilangoan. Naitakas niya ang kanyang asawa na napagkamalan, pero sa mata ng kapulisan at invistigador sya ang pumatay sa kanyang boss, at ang totoong pumatay ay gumagala parin.

 Kasama ang kanilang anak sakay ng isang sasakyan pumunta sila sa ibang lugar para mamuhay ng tahimik.

Ang malaking katanungan ay, tama ba ang kanilang ginawa?

Saturday, November 9, 2013

Project Noah in every City sa Philippines

Nasa isip ko ngayon sana balang araw may isang lugar, sa loob ng syodad na o di kalayuan na nakalagay ang isang structure na makaka support dubli sa pupulasyon sa City nayon, Mataas, na can hold calamities like lindol, bagyo, tsunami at iba pa. Isang structure na kung saan may rooms sa loob na sa isang rooms ay may group of 10 families, may roon ding rooms para sa mga gamot at pagkain, na sa bubung pwedeng mag landing ang helicopter o sasakyan na maghatid ng pagkain o evacuation sa ibang lugar.

Hindi ko alam sa ibang lugar kung ginagawa nila ito, pero sa akin, hindi sya imposibli kung gagawin, sa movies lang ba natin ito makikita o sa ibang mga Nation ay talagang may mga ganitong mga bagay na. Para naman na maiwasan natin yung mga namamatay, at ganon din sana, mabago na yung isip ng mga Pilipino na bahala na bukas basta ngayon makakakain ako, magnanakaw ako, magpuputol ng puno, ang mga anak ko makaka survived yan ang mahalaga mabuhay lang ako.

Ngayon nararamdaman na natin ang ginawa natin sa kalikasan, gusto ba ng Diyos to? o gimusto natin ibalik natin sa lates 50's may mga ganito bang pangayayri? naitanong ko yung mga matatanda, sabi nila wala sa mga panahon nila yung bahay nga nila gawa sa nipa at kawayan lang, bat sa panahon natin may mga ganitong mga pangayayari, yung bagyung ondoy, d makapaniwala ang taga Luzon na maging ganoon ang tubig-biglang tumaas, diba for how many years, ngayon sa super typhoon yolanda, nabigla din tayo, ang lindol sa bohol nabigla din tayo, kaya ang mga susunod pa di ko alam saan, kailan at anong kalamidad naman ang mangyayari, baka mabibikala na naman tayo. Sana, mag karoon ng solusyon habang hindi pa huli.

Kung hindi tayo makakagawa ng isang Rescue place ano yung gagawin natin? Yung Gym at school nga inilipad yung bubong, inakala nga nang karamihan na nagulat sila na pati matitibay na luagr ay nasira. Signal no 4 palang hindi natin masasabi next time signal no 4 parin how about mas malakas pa doon. Nga-nga nalang tayo. Samin nga dito after ng Calamity di ko nakita mga baraggay officials designated sa every baranggay na  naglilibot at kinakamusta ang sitwasyon ng bawat isa samin. Siguro baka busy lang, o di kaya naapiktuhan ng bagyo.

komento ko nga dyan na tumakbo daw sila para sa public service, sa isip kolang bakit hindi ba pweding mag public service kahit di ka tumakbo. Yung kaibigan ko nga, tumakbong kapitan sa kanilang barranggay, yung layunin nya makatulong, yung recod ng kapitan din na tatakbo ulit ay hindi maganda hindi masyado nakikita sa kanilang baranggay, tapos ng eleksyon natalo sya, tanong ko kung bakit? sagot nya sakin bago ang eleksyon nagbigay yung katunggali nya ng pera. Yung isang kagawad naman, nangutang sa kanyang ati ng Php15,000 natalo, kaya subrang stress. Sabi naman nya na naigastos nya ay sa regestration lang sa kanyang pagpasa ng candidacy.

Pag hindi pa aabot tayo sa Project Noah o anung tawag, eh sariling paghahanda nalang muna. Yung mga bahay ay patibayin nalang. And manalangin at humingi ng gabay sa kanya. God will give us inspiration on our individual families. I know that Helives even Jesus Christ, in this time of calamities, this is the time that we look unto Him or even become more closer unto our Savior. He will guide and direct us. He loves us. The Holy Ghost will testify it in our hearts.

Ano ang mangyayari pagkatapos ng kalamidad

Bagyong yolanda 15 hours na hinagupit ang Visayas.

Last month lang Lindol ngayon super typhoon naman, noon nanonood ako sa national geographic tungkol sa isang segment nila tungkol sa paghahanda yung iba may mga armas may mga 10 years na supply ng pagkain sa kanilang basement. Sabi ko pwede bayon na mangyayari na sa huling araw magpapatayan ang mga tao dahil sa kadahilanang mabuhay o mag survive...kanina lang sa TV nakita ko binubuklas ng mga mamamayan ang mga business establishment para kumuha ng mga pagkain-dahil daw ayos lang sa mga may ari basta pagkain lang yung kukunin, pero sa nakita ko at nabalitaan ng mga news reporter pati appliances ay kinukuha, sabi ko, sa ngayon dahil may mga tulong na dumadating dalawa o tatlong araw depende sa lokasyon, pero napaisip ako, how about talagang  subra nang lakas ng bagyo o lindol at yung tulong ay mahirap nang gawin, magpapatayan ba para maka survived?

Sa aking natunghayan parang sana di lang mangyari na para lang makakain papatayin yung iba makapagnakaw lang. Hindi ko sila masisisi sa gita ng ganitong sitwasyon sa isip ng tao makaligtas, mabuhay hindi na alintana kung tama o mali ang ginagawa.

Kaya sa akin, talagang maghanda na, pwede ngang makabili ng sariling life jacket o portable boat...We need to act individually not only na maghintay ng tulong galing sa pamahalaan, kasi ang immediate na pagkukunan ng tulong una ang Dios, sarili, at pamilya, I'm thinking what's next ano yung susunod na mangyayari, hindi ko naman sinasabi na o pinapanalangin na may mga ganitong pangyayari, ang sakin lang handa ba tayo, dahil itong mga bagay nato o sa mga nakita ko ay at piangaaralan hindi pa, sa aking opinyon.

May roon naba tayong buildings for evacuation that can hold earthquake, tsunami, super tyhoon at iba pang mga kalamidad. Na easy access para maiwasan natin ang buhis buhay? minsan nga nakakapagtaka laki ng nawawala sa Pilipinas in terms of buwis o pera ng mamamayan, sana sa mga ganitong mga bagay na makakatulong wag naman nating isipin na isip bata lang ang paggawa ng safe buildings. Parang Project Noah. Kasi pag ganito lang na pag may bagyo punta kayo school, GYM, nakita ko sa report maraming batang namatay sa isang school, dahil first floor ang school pagtaas ng tubig naabot ng baha at nalunod ang mga bata. Sana mag advance naman tayo sa structure at technology, ating helicopter ay  10 years behind sa iba, yung iba black hawk ginagamit-sa iba computer nalang ang nagdadala. Sabihin nating la tayong pera, lang pera ang pilipinas di pa tayo handa, pork barrel ngayon lumutang, hanggang noon pa siguro Billion na Billion na ang sana makakapunta sa mamamayan kung susuriin.

Saan naba tayo ngayon, in terms of preparation sa calamity, handa ba tayo? pag hindi, anong gagawin mag handa ng relief goods? sana mas mataas pa doon hindi lang for mandalian lang. In the house of our Father hindi ganito, He gave us all the resources so that we can use it for good. Are we moving forward for good?

Capiz Iloilo City nasa state of calamity

Lalawigan ng Capizay ay nasa state of calamity o sa buong Iloilo, maraming bahay ang nawalan ng bubong at nawasak, Maraming puno ang natumba, hindi inakala ng mga tao o mamamayan sa lugar ng Iloilo na mangyayari ang mga bagay na ito dahil marami ng mga taon at bagyo ang dumaan pero ngayon lang nangyari sa bagyong pinangalanang yolanda ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan ng Iloilo.

Dahil din sa napakalakas na hangin na dala ng super typhoon yolanda ay tumaas ang tubig sa baybayin o ang hampas nito sa mga bahay kaya hindi makatawid galing cadiz to iloilo dahil mataas sa taas ng tubig. Mahigit 6000 pamilya apektado ng bagyo sa Iloilo; anim patay. Sagilid ng kalsada ang iba namalagi sa ngayon dahil sa natamong sakuna, mga lugar na walang tubig at kuryente mga 60% sa area. At hirap makapunta ang mga relief goods o tulong sa mga iba't ibang baryo dahil sa mga kahoy na nakabangga sa daan at ganon din mga yero at iba pang mga materyales na tila inihagis ng bagyo.

Hindi lamang mga gamit ang nasira, kundi ang masaklap ang mga buhay na nawala o nasawi dahil sa bagyong ito, marami pang mga risidinti ang hindi pa nahahanap. Dahil ito sa pagtaas ng tubig, nabagsakan ng mga kahoy o pader. Dapat na makarating na ang tulong, pagkain, tents para matulugan, damit, ganon din ang gamot dahil nagkakasakit. Sa Ganitomg pangyayari, hindi mo na naisip ang gamit dahil ilang minutes lang maraming mangyayari unahin po natin yung pina ka safe place na pupuntahan, ikalawa sabihan ang mga anak o mag meeting sa pamilya kung ano ang gagawin at d dapat, dapat may time frame din halimbawa ilang oras malkakapunta sa safe place, ano ang sasakyan o kung tatakbo kung may bata it will take ilang minutes.

Mas maganda as early, wag nating underestimate ang bagyo o kalamidad. Kailangan na as early makapaghanda na. Hindi lang po ito ngayon lang may mga susunod pa na sakuna. Nakita ko nga kahit yung mga lugar na evacuation ay d rin nakaligtas-yung bubung inilipad. Isa din na pumasok sa isip ko na pumunta sa mataas na lugar o may second floor pataas para sa pagtaas ng tubig ay may mga paraan na makaligtas. Dapat matibay din ang lugar na nan doon ang pamilya.

Ang tanong ano na ang gagawin natin pagkatapos nito, may bahay paba tayung uuwian, pamilya? kumusta ang ating hanap buhay? naway buksan natin ang ating mga puso para sa mga nangangaylangan.

Leyte napuruhan ng bagyong yolanda

Maraming namatay dahil sa bagyo, parang hindi inaasahan ang ganitong pangyayari sa aking pagkakaalam ay, ito lang bagyung ito o kalamidad na ito ang syang nagpabago ng lugar ng Leyte makikita mo na winalis ni yolanda ang lungsod ng Leyte, lumipad ang mga bubong, natumba ang mga malalaking kahoy at kung makikita tila wala ng dahon.

Isang araw na lupit ng bagyo, halos lahat ng bahay ay wasak halos lahat ng bahay ay wala ng bubong, kung titingnan parang washing machine, natroma yung mga bata, dapat ang mga bahay dito sa Pilipinas gawin sa matitibay na materyalis, maganda puro cement nalang. Walang kuryente at tubig, ang tanong ngayon saan sila magsisimula, yung pinaghirapan nila ng ilang mga taon ay sa isang araw lang o ilang mga oras mawawasak. Datapwat may mga relif goods na dumadating pero kumusta naman ang kanilang hanap buhay, kanilang bahay naway may mga solusyon sa mga problema na ganyan.

Malaki ang tulong ng mga puno ang climate chage isa din sa mga bagay bakit ang mga kalamidad na ito ay naging malakas at abnormal.

Sana tama na yung pagnanakaw sa kaban ng mamamayan, panahon naman na yung mga mahihirap naman o pangkalahatan naman ang ating tingnan. Marami nang nagugutom, last week ninakawan kami ng aming hanap buhay, ninakaw yung camara namin na ginagamit sa business. Binili namin yung before ng kasal namin para after ng kasal ay may hanapbuhay kami, at after ng kasal ay di na kami nakapaghanda dahil inuna namin ang aming hanapbuhay at yun nga ninakaw samin, masakit sakin...ang point ko ano kaya ang nararamdaman ng nagnakaw na ang kanyang ipapakain sa kanyang mga anak ay galing sa nakaw, siguro ayos lang sa kanya para sa kanya na isalba nya ang kanyang buhay, ano naman sa kangyang ninakawan? ano kaya isang araw may nangyari sa kanyang anak pwedi nyabang sisihin ang kanyang sarili? sana isipin din nila ang mga pamilyang di na makakain, naghihirap.

Pagkatapos ng bagyo may roon naman daw papasok na namang posibling mabubuo na bagyo na papasok sa pilipinas, sana hindi muna, di pa tayo nakakaahon sa pinsalang naganap. At may dadating pa next year at sa susunod na mga taon wag nating asahan na hanggang signal 3-4 lang baka mas malakas pa...dahil sa climate change at global warning.

Dahil sa nangyari sa Leyti nawalan ng kuryente at tubig ang nasa buhol din. Dahil nanggagaling ang linya ng tubig at kuryente sa Leyti, may mga barko din na lumubog dahil hinila ng bagyong yolanda. at may namatay, hindi ito madali sa lahat kahit ako na nanonood ay naaapiktuhan dahil iniisip ko mga kapatid ko din yan.

Pati na sa Luzon ay di rin nakaligtas, sana yung bilyong pera ay mapunta pa sa pabahay program para na lahat ng Pilipino ay may disinting bahay, we need to pray and act. sa kanta ni Gloc 9 na upuan maganda yun.

Andres Bonifacio Katipunan

Sa Pagpanood ko sa TV sa GMA, si Ginoong Bonifaio ba sana ang maging Presidinti ng Pilipinas? Malaki ang kuntribusyon nya sa ating lupang sinilangan, at ang himagsikan ay syang nag papalaya sa atin. Ano kaya ang nangyari pag di sya nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban para sa kapayapaan na maikalas tayo sa kadina ng pagkaapilin noon sa mga kastila.

Ang ating mga ninunu ang nagbuwis ang kanilang buhay, at ang bunga ay ang kalayaan at dimokrasya na ating inaasam ngayun. Ano na ang nangyari sa sabi ng ating mga ninunu na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, sa panahong ito-hindi ito laban o gyira ng baril at armas ito ay gyira ng ating moral.

Maalaala mo kaya MMK Si Roger nabuntis si Jecel habang sila ni Emely

Kwento ng mag dalawang tao na nagmahalan, si Roger at Emely,

Sa una ayaw ni Emely na mag ka boyfriend dahil para sa kanya hindi pa sya handa, sa pag pupursigi ni Roger ay sinagot sya ni Emely. Di naglaon ay nagtapat si Roger ng kasal sa iniibig nitong si Emely, kaso gusto ni Emely na matapos muna ang pagaaral bago sila magpakasal....sa gitna ng kanilang pagsasama bilang kasintahan ay may di inaasahang panyayari nagtapat si Roger na nabuntis nya si Jecel.

Nang narinig yun ni Emely ang ang mga bagay na yun galing mismo sa kanyang minamahal sa loob ng simbahan ay gumuho ang kanyang mundo, gusto ni Roger na magtanan sila ni Emely, para takbuhan ang mundo na ayaw nyang harapin, Mas pinili ni Emely na maghiwalay sila ni Roger dahil sa responsibilidad nya sa bata. kahit na masakit sa kanya ang gagawin nila-dahil mahal nga si Roger ng buong buhay nya, pagkalipas ng ilang buwan napag-alaman ni Emely na nagpakasal na si Roger at si Jesel.

Kaya pagkatapos ng graduation sa college ay lumayo na ito sa kanilang lugar nagasawa si Emely sa lalaking mahal sya pero hindi nya naman mahal...pagkalipas ng ilang mga taon dahil nawalan ng trabaho ang asawa ni Emely, at sinabi sa kanya na umuwi sila sa Cebu kung saan nandoon ang pamilya nilang dalawa, ayaw ni Emely na umuwi sana dahil sa kanyang pagbabalik ay babalikan din ni Emely ang kanyang nakaraan-ang nakaraan nila ni Roger.  Pero sa huli ay pumayag na si Emely na umuwi sa kanilang lugar at doon magsimula uli sa buhay at mag ne-negosyo para sa kanilang pangkabuhayan.

Pagkalipas ng ilang mga taon, nagkaroon na ng anak sina EMely at isang apo, isang araw habang nagbabantay ito ng kanilang bigasan ay mag natanggap itong text galing kay Roger, pero hindi nya ito pinapansin...dumaan pa ang mga araw at bumisita si Roger sa kanyang kaibigan at hindi inaasahan na nag hatid si Roger ng tangki ng gasol, at doon nagkita sila at nagusap.

Dahil sa mga nangyaring yun ay muling nabuksan ang nakaraan at nagkasundo ang dalawa na sikritong magkita at magusap pero hindi sila gumagawa ng mahigit pa sa paguusap at hawakan ng kamay.

Pagkalipas ng ilang mga buwan na pagkikita ay sinuyo ni Roger si Emely saq loob ng simbahan na magtanan, sa kadahilanang malaki na ang kanilang mga anak at nakita sila ni Jecel na magkasama minsan, hindi na daw maitatago ang kanilang lihim, panahon naman na sila namang dalawa ang maging masaya sa mahabang panahon na pagsasama sa mga kanilang mga asawa na di naman nila mahal.

Sa huli nagkita sila ulit sa simbahan na kung saan sila noon huling nagkita at naghiwalay, bumuo ng disisyon na naging resulta sa kanya kangyang buhay. Nang nagkita ni Roger sa mga mata ni Emely ang lungkot, at doon pinagtapat ni EMely na kait hindi nga mahal ang kanyang asawa ay mahal nya ang kanyang anak at apo, gusto nyang makitang lumaki ang kanyang apo at gabayan ang kanyang pamilya-mahal nya sa kabuuhan ang kanyang pamilya. Naghiwalay silang dalawa na sa huling pagkakataon nabigyan ng kunklosyon ang kanilang kwento.


Sa buhay hindi lahat maaayun sa ating mga kagustuhan at mga plano, may mga bagay na hindi natin hawak at may mga nagyayari sa gitna noon na hindi inaasahan.  Sa kwentong ito ano ba ang mahalaga, Pag-ibig o risponsibilidad, sariling kaligayahan o kalahatan? sa kwentong ito natutunan natin na ang lahat ng bagay ay may kinalalagyan, at mahalaga na magkaroon tayo ng disisyon-disisyon na di lang tinitingnan ang mandaliang resulta kundi ang kinahahatnan nito. Spiritually minded is life eternal.

Bagsik ni Yolanda Super Typhoon malaking pinsala ang iniwan

Bagsik ni Yolanda hinagupit ang ibat ibang lugar sa Visayas,Leyte, Cebu, andon na ang Bohol, Negros Occidental, Pati na ang Iloilo palabas.  Ang mga bahay yung mga bubong ay talagang natanggal, at yung mga bahay na malapit sa dagat ay tumaas yung tubig at tila naging ilog yung lugar.

Naputol din ang communication dahil sa nabagsak ang mga linya ng kuryente at posti.  Parang nakakalungkot dahil nakita ko sa TV yung sa mga daan makikita yung mga katawan ng mga namatay...naisip ko yung lungkot dahil, hindi masyado kami hinagupit pano next time kami naman, sabagay hindi natin masasabi, kailangan talagang maghanda, sabi nga ng mga reporters na nakasaksi o nandoon sa lugar ng pangyayari pati yung mga evacuation center ay natanggal ang mga bubong, tulad ng school, studiom, at iba pa.

Yung mga tao sinisira ang mga tao sinisira na yung mga grocery stores, tindahan, at iba pa na may mga pagkain-akala ko sa movies lang makikita yun sa pagdating ng mga kalamidad but in reality pala yun ang mangyayari...parang sa ganitong mga sitwasyon, pamilya na talaga ang maaasahan, pwede nga palang magpatayan sa huli pag dating ng ganitong sitwasyon.

Maghanda ng 72 hours kit andoon yung pagkakain na makakaabot na tatlong araw, maganda dilatas kasi kahit mabasa ay hindi masisira, ganon din pwedeng makain agad at hindi mabigat noddles atbp. kasama sa 72 hours kit ang flashlight, tissue na nakalagay sa plastic para di mabasa.

Monday, November 4, 2013

Bagyo papasok na naman ng Pilipinas

Bagong bagyo pumapasok na naman ng Pilipinas badnews.

Pero ang goodnews, habang papalapit  na papalapit ang bagyo papalayu naman ang Pilipinas. Wagas!

Mga kapatid maghanda po tayo at siguraduhing bago ang battery ng ating mga flashlight at emergency light. baka po mag brownout, at ganon din mag matyag po tayo sa news maganda na ang ating radyo ay mayroong lagayan ng battery. Para pag mag brownout po ay pwede parin tayongb makibalita. Sa gabing ito, magmatyag din po tayo sa mga kawatan, ito yung mga laro nila.

Sa pina ka huli wag po nating makalimutang manalangin.