Kabanata
IV
Bago sumikat ang araw ay ginising na ako ni Ina dahil
hinihintay na ako ni Tandang helaman sa tabing dagat para sa aming paglalakbay.
Sa panahong yun ay pinipilit nalang ako ni Ina na ayusin ang aking sarili dahil
sa katunayan ayo kung lisanin ang aming Isla, ang mapayapang pamumuhay na
mayroon ako at mahal na pamilya. Kaya si Ina nalang ang nagligpit ng aking
dadalhin: dalawang magkakasamang damit, isang kutson, at isang damit pangginaw.
Habang nagliligpit ay sya namang
pangaral ni Ina sa akin kung anong dapat kung gawin. Sinabi ko kay ina na wag
nalang kaya ako tumuloy dahil walang katulong si itay sa bukid at marami pang
gawain sa bahay, sabi naman nya na huwag nalng daw ako magalala sa kanila . Sa
bagay na nalulungkot sila pero masaya, sa kabilang banda na sa lahi daw namin
sisibol ang itinakda na maging isang
mandirigma, kaya dinadaan nya nalang sa pangangaral para itago ang kanyang kalungkotan, kahit na umiiyak na ito-ang mga
ina talaga.
Sa tabing dagat ay nag-uusap sila tandang helaman at ni
Itay. Nag almusal muna ako at nagpaalam sa
aking ina at mga kapatid at lumabas sa bahay na bitbit ang gamit panglakbay. Nakita ko na halos lahat ng kababaryo ko ay
nag-aabang sa akin. Sabi ni itay na magingat daw ako, mahal nya ako sila ni
inay at gampanan ko ang malaki kung responsibidad. Hindi ko maintindihan ang ibig
sabihin ni itay, sa isip ko ano namang kalukuhan ang ginawa ni tandang helaman.
Hinagkan ko sila itay at inay at aking mga kapatid, kumaway
din ako ng pamamaalam sa aking ka Isla. Habang papalayu at pa sakay na sana ng
bangka ay may narinig akung sumisigaw ng pangalan ko, ng tumingin ako sa likuran
nakita kung tumatakbu si Sarah kababata ko, ngumiti ako sa kanya, ngunit habang
tumatakbong papunta sa akin ay natisod ito at nadapa sa buhangin. Tumakbo ako
papunta sa kanya para tingnan kung ayus lng sya at tinulungan sa pagtayu. Sabi
ko “kaw talaga, tingnan mo sarili mo, bak’t ba? Ano ba ang kailangan mo?”
pagalit na sabi ko. “wala lang gusto ko
lang ibigay sayo tung baon mo” paiyak na sabi ni Sarah habang binibigay ang
nakabalot sa panyo na pabaon. Pinagalitan ko sya at tinatanong kung bakit
umiiyak sya alam kung iniiyakan nya ako dahil alam naming baka hindi na kami
magkikita. Para maibsan ang kalungkutang nadarama nya ay sinabihan ko syang masaya
akong aalis dahil hindi ko na makikita ang kanyang pagmumukha at hindi narin
ako maghihirap sa mga kapalpakan nyang ginagawa araw-araw. Pero hindi parin nya
pinigilan ang pag iyak. Tinatawag na ako ni Tandang Helaman kaya, nagpaalam na
ako at niyakap ko sya, sinabihan ko syang parating mag-ingat at parating
samahan si ina sa kanyang kalungkutan sa pagalis ko.
Tumakbo ako pabalik sa bangka
na hindi limilingon. Hindi ako lumingon at pinipigilan ang iyak na sa aking
puso, sinisisi ko si tandang helaman sa mga nangyari. Habang papalayo na kami
sa Isla ay pumasok na kami sa hamog na pumabalibot sa isla. Tinitingnan ko ang
binigay saking baon ni sarah, ng
binuksan ko ang balot, namangha ako dahil ang kwentas na yon ang palawit
ay isang Cristal na kinuha pa nya sa taas ng bundok ng Can laon, namangha ako
dahil dilikado ang lugar nayon kahit ako hindi pa nakakapunta doon. Sa mga
taong magkasama kami ni Sarah ay puro mali nalang ang nakita ko sa kanya, pero
ang katutuhanan ay sya ang nagbibigay lakas sa araw-araw na buhay ko, sa tuwing
mahina ako, sa tuwing may sakit ako parati syang andyan mas binibigyan pa nya
ng pagkakataon na matulungan ang iba kay sa sarili nya. Mas iniintindi nya ang
kalagayan ko kaysa sarili nya. Kaya tanong ko sa aking sarili ako ba yung
babae? Sabi ni tandang helaman may pagkakataon pa akung sabihin sa kanila
habang hindi pa kami nakakalayo.
Tumalikod ako sa kanila ngunit hindi kona maaninag masyado ang kanilang
mga mukha dahil sa hamog na pumapalibot sa Karagatan sumigaw akung “mahal ko
kayung lahat Ama, ina, mga kapatid, Sarah, at mga ka Isla. Ipagdasal nyo ako. Hinihintay
ko na magsalita sila ngunit wala, ilang mga sandali pa ay may narinig akung
salita PAG-ASA SA ISLA NG
ZARAHEMLA, pa ulit-ulit na
sinasabi nila. Sumigaw ako ulit na salamat ng ilang mga besis hanggang lumayu
na kami at hindi ko na marinig ang kanilang boses. Ngumingiti akung papalayo
habang umiiyak labing walong gulang ako ng mawalay sa aking pamilya. Hindi ako
nagsasalita ng ilang mga oras dahil sa hindi parin ako makapaniwala na iniwan
ko ang aking buhay sa Isla. Nagtanong sa
akin si tandang helaman kung alam ko ang ibig sabihin ng balat ko sa braso,
sinabi nya nayan ang simbulo nang pag-asa. Nang nagtanong ako kung anong ibig
sabihin nya nang pag-asa ay sinagot nya ako na malalaman ko rin sa takdang
panahon.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!