Wednesday, February 27, 2013

Isa pang pagkakataon-pagpapatawad


Kabanata VII
         
Nawalan ako ng malay habang nakasakay sa karusa, nagising na lamang ako na nakahiga na at nasa isang silid sa kubo, nakita ni Tandang Helaman na hindi maganda ang kalagayan ko kaya hinubad nya ang aking pantaas na damit at nang hinipo nya ang aking dibdib at tigiliran na pag-alaman nya na maraming buto ang nabali sa dibdib at aking tagiliran.  Sabi nya na mapalad ako dahil buhay pa ako, kumuha sya ng piraso ng damit at inirulyo- nilagay sa aking bibig at sinabihan akung kagatin. Ipinatong ni tandang helaman ang kanyang mga kamay sa aking  dibdib at nakita ko na may liwanag na lumalabas sa kanyang mga kamay naramdaman ko na nag-init ang aking katawan at biglang gumalaw ang mga buto ko na nabali at parang humahanay ito sa kanyang posisyon pero di ko mapigilan na sumigaw dahil sa sakit. Nawalan ako ng malay ng gabing ginagamot ako ni Tandang Helaman.  Kinaumagahan, sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang limang kabataang lalake na kasing edad ko lamang na nakatayo sa aking harapan, sabi ng ama ni moroni kung sila ang aking nakita dahil pag sinabi kung sila ay papatungan sila ng hatol ng kamatayan at bibitayin sa harap ng mamamayan ng Agosh.
Nakita ko na ang iba sa kanila ay umiiyak sa takot, sinabihan ko ang ama ni Moroni na hindi ko kilala ang mga taong iyan dahil sa gabi at di ko maaninag ang kanilang mga mukha, dugtong ko pa na hindi sila ang mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun.  Habang nagsasalita ako ay nakita kung tumutingin sila sa akin na nagulat dahil inakala nila dahil sa ginawa nila sa akin ay sasabihin ko sa ama ni Moroni na sila ung mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun, at malalagay sila sa hatol ng kamatayan ng Isla nila.  Sinabihan ako ng ama ni moroni kung sigurado ako sa aking sinasabi at sinabi kung sapat na ang sinabi ko at kailangan ko nang magpahinga.  Sabi sakin ng ama ni Moroni na kanyang niririspito ang aking sinabi at aalis na sila, sabi ng lima kung pwede daw nila akung makausap at hiningi ang permiso ko. Sumangayun ako at nanatili sila sa loob ng silid. Lumuhod sila sa akin at nagpasalamat, humingi ng patawad.  Nakita ko ang kanilang pagsisisi at sinabihan silang sa susunod wag nilang daanin sa biru-an ang lahat ng bagay.  Sabi nila na balang araw ay papalitan nila ang kabutihang ginawa ko sa kanila na utang nila ang buhay nila sa akin.  Nag-usap kami sa silid at nagkwentuhan.
Kinagabihan ay kinamusta ako ni Moroni, tinanong ko sya tungkol sa kanyang kapangyarihan at ang sabi nya sa akin na nang bata pa sya ay napag-alaman nya na may roon syang ganong kapangyarihan ng pinagalitan sya ng kanyang ama, nagalit sya at pumunta sa tabing ilog, kumuha ng bato at itinapon sa ilog at sumabog ito.sabi pa nya na hindi nya kayang kuntrolin ang elemento ng hangin ngunit lahat ng mahahawakan nya ay pwedi nyang gawing pasabok pag itoy kanyang binitawan. Mabilis ang aking pag galling, isa- dalawang araw lang ay humilom at bumalik na sa kundisyon ang aking katawan, sa buong buhay ko ang alam ko lang na hindi ako nagkakasakit . nagtataka ako bakit naghilum at gumaling ako ng dalawang araw, napag-alaman ko na mayroon akung kakayahan na hilumin ang aking mga sugat kaya pala hindi ako namatay ng gabing ginulpi ako sabi ni tandang helaman sakin.
Pinakilala ako ni Moroni sa kanyang pamilya, at nag-alok na doon kami manatili hanggang matapos ang paligsahan, pumayag naman si Tandang Helaman.
Dumating ang paligsahan at ang daming tao ang dumalo, pinakilala ako ni tandang helaman sa lahat na ako ang unang estudyante nya na nanggaling sa Isla ng Zarahemla, Isla ng pag-asa. Namangha ang lahat dahil akala nila na kathang-isip lang ang islang yun.  Nakita korin ang kadalagahan sa lugar nila na tinitingnan ako na ngumingiti, nang itaas ko ang aking kamay para kumaway ay binatukan ako ni tandang helaman at nagsabing alam nya ang aking iniisip, napahiya tuloy ako sa aking sarili.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!