Ikalimang Mandirigma Ang Unang Aklat

                                                                       Pagpapakilala
Taong tatlong libo at siyam na raan. Pagkatapos ng matagal na katahimikan sa ibabaw ng lupa-isang gabing tahimik ay dumating ang araw na kinatatakutan ng bawat nilalang na naninirahan sa mundong ibabaw. Dahil sa hindi na mapigilang kasakiman sa kapangyarihan, kayaman, mga sekritong kumbination, pagtalikod sa kabutihan at kawalan ng pananampalataya sa Lumikha at digmaan ng mga tao. Isinilang ang isang kakila-kilabot na araw, ang araw nang kadiliman.

Dahil hindi na balansi ang mundo sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, sa isang liblib na mundo isinilang ang kampon ng kadiliman, nasira ang mantil sa pagitan ng mga tao at kadilimang nilalang. Sa kadahilanang wala silang mga katawang lupa ay sumanib sila sa mga taong handang ibigay ang kanilang kaluluwa sa dilim. Ang mga sundalo ng dilim ay sa mga patay sumanib. Nilusob nila ang bawat Isla sa buong mundo at nagkaruon ng walawakang digmaan sa pagitan ng mga tao at nilalang ng kadiliman. Dahil naghari ang kasamaan sa puso ng mga sakim ay madaling sinakop ang mundo ng mga tao, ang masaklap karamihan ay sumanib sa kasamaan. Mas ginusto nilang pumatay ng kapwa tao-patayin ang kanilang kapatid kaysa mamatay.

Ang pinunu ng kadiliman ay nagngangalang Curiantumr. Pagkatapos ng digmaan at nag wagi ang kadiliman, nagbigay ng unang utos si Curiantumr, na lahat ng nilalang na gustong mabuhay ay dapat magsamba sa mga dios-diosan, mahalin ang pera at makamundong bagay, ialay ang kanilang mga sanggol na babae sa dios nilang gawa sa bato. Ang hindi sumang-ayun ay pinapatay nila ng walang awa. Ang mga lalake ay tinatalian nila at sinasabit sa mga sanga ng puno at bago magtakip silim ay walang awang sinusunog ng buhay. Ang mga babae ay ginagawang alipin, at ang mga sangol at kabataang lalaki ay pinapakain nila sa mga halimaw. Ito ang nangyari sa mundo, mundong mapayapa noon, ngunit mga ungol nalang ng pag-iyak na humihingi ng katarungan, pag-asa, at awa ang maririnig tuwing gabi. Ang bunga ng kamangmangan ng taong sakim ay dusa sa lahat.

Bago natapos ang digmaan ng mundo at libo-libo ang namatay, may mga grupo ng indibiidwal na pinalad na mabuhay at tinawag silang Mandirigma. Sila ay nanggaling sa ibat ibang lahi, para maibangon sa huli o maisalba ang iba ay ninais nilang lumayo at umipon ng lakas bago magdigma ulit. Naglakbay sila sa dalampasigan ng ilang mga buwan, nanalangin na ang kanilang buhay ay iligtas at hindi masundan ng kalaban. Dinala sila ng panahon, nakarating sila sa mga isla na inihanda para sa kanilang kaligtasan bawat lahi sa bawat isla: Agosh-Isla ng Hangin, Akish-Isla ng Lupa, Anathoth-Isla ng Tubig, Gadiomnah-Isla ng Apoy, Zarahemla-Isla ng Pag-asa. Isang nakakatanda sa mga nakaligtas na ang pangalan ay Lehi ay nag propesya na darating ang araw na ang munting liwanag ng pag-asa ay sisibul muli sa gitna ng kadiliman isang melinyo mula ngayon. Sa darating na panahon kailangang magsanib pwersa ang Limang isla para labanan ang kampon ng kadiliman.

Si Helaman isa sa gropu ng mga mandirigma ay binigyan ng isang malaking katungkulan. Mananatili syang buhay, hanggang sa huling araw na bumalik muli ang liwanag sa mundo ng mga tao. Hihintayin nya ang isang milinyo at hahanapin at sasanayin ang Limang Itinakda para gawin at gampanan ang kanilang katungkulan. Si Tandang Helaman ay makakapunta lamang sa Mundo ng mga espirito pag matapos maikasatuparan ang kanyang Misyon. Sinabi din ni Lehi na sa huling araw ang mga mandirigmang mamamayan sa apat elementong Isla ay magsasama para sa huling laban-mabubuo ang grupo dahil hahanapin sila ng isang mandirigma na manggagaling sa isla ng pag-asa . Samahan nyo kami sa paglalakbay, sa kwentong ito matututunan natin ang ibig sabihin ng , pagkakaibigan, pagmamahal, pag-asa at sakripisiyo.

Kabanata I
Ang Simula


Ako si Abraham at ito ang kwento ko, Taong Tatlong Libo at siyam na raan, 3900. Naninirahan kami sa tabi ng dagat, Isang liblib na isla na tinatawag ZARAHEMLA. Ang Isla namin ay napapalibutan ng ulap, sabi ni Itay isa daw itong proteksyon para hindi matuntun ng tagalabas ang aming isla. Ako ang panganay sa tatlo kung kapatid. Namuhay ako sa simpling pamilya. Tuwing umaga ang ginagawa ko ay tumutulong ky itay sa bukid sa pagsasaka at pagkatapos nang gawain sa bukid ay naglalaro kami ng aking mga kapatid. Pagmalapit na ang paglubog ng araw ay pumupunta kami ng mga kapatid ko sa burol para magpasalamat sa Dios sa mga biyayang ibinigay nya sa aming pamilya at ka isla, sariwang hangin, at masaganang ani.

Isang malamig na hapon, nang nakaupo kami ng mga kapatid ko sa kubo kasama si itay, ay nagkwento sya tungkol sa aming mga ninuno nuong unang panahon na nanirahan sa mga misteryusong mga pulo at isla na kung tawagin ay mundo, sabi sa kwento na sinakop ng kampon ni Coriantumr isang kampon ng kadiliman na gumagawa ng lihim na kumbinasyon, isang kahindik hindik ang sinapit ng pagsakop, sinabi sa kwento na ang sino mang hindi sumunod kay Coriantumr ay kanilang pinapahirapan bago nila ito papatayin. Kailangan na sambahin nila ang mga diyos-diosan, Maraming namatay na mga nananampalataya sa Dios at hindi sumunod kay Coriantumr.

Ang labi ng mga tao ay itinatapon sa daan kaya nangagamuy agnas ng katawan ng tao ang lungsod at maraming nagkakasakit na mga buhay maliban sa mga halimaw na kinakain ang mga labi ng mga tao. Sabi ni itay ang iba ay nagtatago sa mga bundok sa mga kaaway, na naghihintay na isang araw may magliligtas sa kanila. Ang mga grupo naman na naglakbay sa dalampasigan ay aming mga ninuno, na syang nakarating sa islang ito. Buhat noon ay hindi na silang nagtangkang bumalik at namuhay ng mapayapa sa isla namin.

Pagkatapos magkwento ni Itay ay tinanong nya ako kung naniniwala ako sa kanyang kwento, ngumiti nalang ako at nagsabi sakanya na nalilibang ako sa tuwing mag kwekwento sya pero hindi ako naniniwala. Sabi naman ni itay na darating ang araw na maiintindihan ko rin ang ibig nyang sabihin.

Sa isla namin ang aming kinabubuhay ay pangingisda, pagsasaka, pag aalaga ng mga hayop, at iba pang gawaing bukid. Malayo kami sa sibilisasyon, hindi ko nga alam ang ibig sabihin ni itay na cellphone at TV, sakin kathang isip lamang, kwentong baryo ika nga.

Dito ang karamitang libangan ng mga tao ay palakasan, dahil sa aming Isla ay tinatawag kaming pinakamalakas sa buong isla sabi ni tandang Helaman, isa syang ermetanyo, namumuhay sya sa paglalakbay sa ibat-ibang mga Isla. Ginagawa nya ang pagsusulat sa mga lami ng tanso bilang talaan ng kasaysayan ng aming mga ninuno, mahiwaga si Tandang Helaman, sabi pa sa kwento na sya lang ang nakakaalam ng mga lagusan at makakapasok dito sa ibat ibang mga Isla. Sabi pa na nakarating na sya sa pinagbabawal na lungsod ang Lungsod ng Irreantum. Halos lahat kami ay hindi pa alam ang pinanggalingan at tunay na pagkatao ni Tandang Helaman. Ang nalalaman lang namin ay matalino sya at mahiwaga.

Bawat isang buwan sa isang taon, ay may tinatawag kaming pyesta ng pagkakalaya, ito daw ang araw na dumating ang mga ninunu namin sa islang ito. At inaasahan na darating si tandang Helaman. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay dumating nga si Tandang Helaman at nakisalo sa kasiyahan. Sa tuwing pyesta lamang pumupunta si helaman sa aming Isla. Sa gitna ng kasiyahan ay inaabangan ng lahat ang sasabihin ni Tandang Helaman.

Nang dumating na ang oras na magsasalita na si Tandang Helaman ay nagsitahimik ang lahat. Umakyat si Tandang Helaman sa Maliit na burol para marinig ng lahat ang kanyang sasabihin, umupo sya sa silyang gawa sa kawayan at nagwika “mga kapatid, nagpapasalamat ako sa araw na ito, isa na namang taong ibinigay sa atin ng Lumikha na tayo ay nabubuhay nang mapayapa, nagkaroon ng masaganang ani, sa buhay na ibinigay sa atin, at higit sa lahat pamilya namayroon tayo. Ito rin ang araw na nakarating ang mga ninunu ninyo sa Isla ng Zarahemla Isla ng pag-asa. Sa panahong ito gusto kung ipaalam sa lahat na ang taong aking hinihintay ay dumating na. Ang araw nang paghahanap sa mga itinakda. Itinakda na syang magliligtas sa mga kapatid natin na naniniwala sa Dios na naiwan sa Irreantum. Para malaman ang isang itinakda ay magkakaroon ng pagsubok, sa lahat ng kabataang lalaki at babae. Bukas sa bukang liwayway ay magsisimula ang pagsubok. Kaya ang lahat ng mga kabataang lalake at babae ay mag handa.” sabi ni Tandang Helaman. Pagkatapus na magsalita ni Tandang Helaman ang lahat ay namangha, pati si Itay at Inay. Pero hindi ako, hindi ako naniniwala sa mga kwento nya, walang Irreantum at pagsasayang lamang ng panahon ang gagawin nila, para sa akin kalukuhan lang ang pagsubok na gagawin kaya pinag isip-isip ko na mas mabuti pang umakyat na lamang sa bundok at magpalipad ng saranggola kaysa dumalo sa isang pagsubok na wala namang katuturan.


Kabanata II
Ang Pagsubok


Kinagabihan habang kumakain kami sa hapagkainan, ay nagtanong si ina kung sabik daw ako para sa gagawing pagsubok para bukas. Sabi ko naman ay wala akung gana at magkakasakit ako sa mga oras na yan. Pinagtawanan naman ako ni bunsoy at sinabing nababakla lang siguro ako. Sabi ni itay bakit hindi ko daw subukan. Sabi ko naman sa kanila, na halos lahat sa Isla ay malalakas maliban nalang sa akin, sabi ko pa sa kanila na siguro malas ako dahil pinanganak akung may balat sa kamay. Sabi ni itay na ako daw ay isang biyaya mula sa langit na ibinigay sa kanila at wag akung mag isip ng ganyang mga bagay. Dugtong pa ni inay “Alam mo, Abraham wala na kaming masasabi sayo, mabait ka, masipag, magalang, matulungin kaya kung ano man ang maging desisyon mo bukas ay sya naming igagalang.” Nagbiruan nga kami bakit hindi binanggit ni ina ang salitang gwapo. Pagkatapus kumain ay tinulugan naming si ina sa pagliligpit. Nagpahangin ako sa labas ng bahay, kahit na sinabi nila inay at itay yun ay di parin mawala sa aking isipan na iba ako sa nakakarami.

Dumating ang bukang liwayway, pero sinadya kung tanghali na gumising at tinutuo ang aking pagkukunwari na may sakit. Sinabihan ko sina itay at inay na mauna nalang at susunod nalang ako. Pumunta ako sa bundok para magpalipad ng saranggola ngunit inakala kung madami ang pupunta dahil ang araw na to ay araw kung saan nagsisimula ang paglakas ng hangin at pataasan at pagandahan ng saranggula. Lahat pala ay pumunta sa paligsahan maliban sakin. Kaya nagpasya nalang ako na bumaba at makinood sa paligsahan, dumating ako sa lugar nang pagtitipun hapon na. Nakinood ako sa kanilang paligsahan,-nagtanong ako sa kakilala namin kung ano ang ginagawa ng bato na kasing laki nang aking kamao sa gitna. Sabi naman nya na kung sino man ang makakapagpalutang ng bato ay sya nyang gagawing disipulo. Sa Isla kung saan kami naninirahan ay may mahika at kapangyarihan na hindi maipaliwanag. Kaya napag-isip ko na kaya ginawa ni tandang helaman ang paligsahan para malaman kung sino ang may potential na kakayahan. Nakita ko na maraming paulit-ulit na sumubok na paangatin ang bato, ang iba napagalaw nila pero di napaangat, namangha ako sa kakayahan nila. Pero hindi parin nakapasa sa pagsubok ni tandang Helaman, lahat ay bigo at sumuko. Bulong ko sa aking sarili na mabuti nalang na hindi ako sumali dahil sila nga na may pambihirang kakayahan at lakas ay nabigo ako pa na isang pipityuging tao lamang sa aming isla, siguradong pagtatawanan lamang ako. Ngunit nagtaka kaming lahat bakit hindi pa pinapaalis ni tandang helaman ang mga tao, nagtaka ako kung ano pa ang kanyang hinihintay. May nagtanong kung bakit hindi pa nya pinapaalis kaming taga baryo. Ngunit ng sinaabi ni tandang helaman na may isa pang hindi pumupunta sa gitna, hindi dumadaan sa pagsubok. Ang unang pumasok sa isip ko ay sumibat sa karamihan bago pa malaman na ako pa ang hindi nakakadaan sa pagsubok, nagtanong ako sa aking sarili kung paano nya nalaman. Ang ginawa ko ay tumalikod ako, dahan-dahang papalayo para hindi mapansin. Biglang sinabi ni tandang helaman “saan ka pupunta?” sabi ko naman, hindi ako yung tinutukoy nya. Pinagpatuloy ko ang paglalalakad at biglang tumakbo ng mabilis ngunit ako’y nabunggo sa isang tao. Nang tumingin ako kung sinong pakialamiro, si tandang helaman ang ang nakabunggo ko, sabi ko sa sarili-kung pano nya ginawa yun? Subrang bilis nya para makarating agad sa kinaruruunn ko. Tinanong ko sya kung bakit at bigla syang humarap malapit sa mukha ko at nagsabi “ikaw pa ang hindi nakadaan sa pagsubok”. Sabi ko naman na hindi ako kasali, pinapili ako ni tandang helaman subukan ko o ipapakain nya ako sa mga pating.

Wala na akong ibang pagpipilian, pero nasa isip ko na ayus lang kasi imposibli namang kaya kung pagalawin ang bato at paangatin. Pumunta ako sa gitna at biglang tumahimik ang lahat, nakita ko si ina na pinagsisigawan yung pangalan ko at pinagmamalaki nila na ang anak nila ang sa gita. Ganon din ang mga kapatid ko.



Kabanata III
Itinakda


Subrang hiya ko sa mga oras nayon, tumingin ako sa bato na pinipigilan ang aking kahihiyan, pagkalipas ng ilang mga sandali ay walang nangyari kaya tumingin ako salikuran kay tandang helaman at nagsabi na “o ayan Tandang Helaman nakita mona walang nangyari, siguro makakauwi na ako” habang nagsasalita ay nagtaka ako bakit ang nagiba ang paligid-parang namangha ang mga tao. Tumigil ang orasan..biglang tumibok ang puso ko ng mabilis, na sana mali ang hinala ko. Dahan-dahan akung tumingin kung saan naroroon ang bato, ng tiningnan ko yung bato ay wala na sa kinaruruunan nito, lumulutang na sa iri. Pumalakpak ang mga tao at ako’y hinimatay, pumasok sa isip ko na ang ibig sabihin kailangan kung sumama sa matandang ito at iiwan ang mapayapa kung buhay at maging ermetanyo rin

Dito magsisimula ang kewnto ng buhay ko. Ako si Abraham Covenant ikalimang Mandirigma.


Kabanata IV
Ang Paglisan

Bago sumikat ang araw ay ginising na ako ni Ina dahil hinihintay na ako ni Tandang helaman sa tabing dagat para sa aming paglalakbay. Sa panahong yun ay pinipilit nalang ako ni Ina na ayusin ang aking sarili dahil sa katunayan ayo kung lisanin ang aming Isla, ang mapayapang pamumuhay na mayroon ako at mahal na pamilya. Kaya si Ina nalang ang nagligpit ng aking dadalhin: dalawang magkakasamang damit, isang kutson, at isang damit pangginaw. Habang nagliligpit ay sya namang pangaral ni Ina sa akin kung anong dapat kung gawin. Sinabi ko kay ina na wag nalang kaya ako tumuloy dahil walang katulong si itay sa bukid at marami pang gawain sa bahay, sabi naman nya na huwag nalng daw ako magalala sa kanila . Sa bagay na nalulungkot sila pero masaya, sa kabilang banda na sa lahi daw namin sisibol ang itinakda na maging isang mandirigma, kaya dinadaan nya nalang sa pangangaral para itago ang kanyang kalungkotan, kahit na umiiyak na ito-ang mga ina talaga.

Sa tabing dagat ay nag-uusap sila tandang helaman at ni Itay. Nag almusal muna ako at nagpaalam sa aking ina at mga kapatid at lumabas sa bahay na bitbit ang gamit panglakbay. Nakita ko na halos lahat ng kababaryo ko ay nag-aabang sa akin. Sabi ni itay na magingat daw ako, mahal nya ako sila ni inay at gampanan ko ang malaki kung responsibidad. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni itay, sa isip ko ano namang kalukuhan ang ginawa ni tandang helaman.

Hinagkan ko sila itay at inay at aking mga kapatid, kumaway din ako ng pamamaalam sa aking ka Isla. Habang papalayu at pa sakay na sana ng bangka ay may narinig akung sumisigaw ng pangalan ko, ng tumingin ako sa likuran nakita kung tumatakbu si Sarah kababata ko, ngumiti ako sa kanya, ngunit habang tumatakbong papunta sa akin ay natisod ito at nadapa sa buhangin. Tumakbo ako papunta sa kanya para tingnan kung ayus lng sya at tinulungan sa pagtayu. Sabi ko “kaw talaga, tingnan mo sarili mo, bak’t ba? Ano ba ang kailangan mo?” pagalit na sabi ko. “wala lang gusto ko lang ibigay sayo tung baon mo” paiyak na sabi ni Sarah habang binibigay ang nakabalot sa panyo na pabaon. Pinagalitan ko sya at tinatanong kung bakit umiiyak sya alam kung iniiyakan nya ako dahil alam naming baka hindi na kami magkikita. Para maibsan ang kalungkutang nadarama nya ay sinabihan ko syang masaya akong aalis dahil hindi ko na makikita ang kanyang pagmumukha at hindi narin ako maghihirap sa mga kapalpakan nyang ginagawa araw-araw. Pero hindi parin nya pinigilan ang pag iyak. Tinatawag na ako ni Tandang Helaman kaya, nagpaalam na ako at niyakap ko sya, sinabihan ko syang parating mag-ingat at parating samahan si ina sa kanyang kalungkutan sa pagalis ko. Tumakbo ako pabalik sa bangka na hindi limilingon. Hindi ako lumingon at pinipigilan ang iyak na sa aking puso, sinisisi ko si tandang helaman sa mga nangyari. Habang papalayo na kami sa Isla ay pumasok na kami sa hamog na pumabalibot sa isla. Tinitingnan ko ang binigay saking baon ni sarah, ng binuksan ko ang balot, namangha ako dahil ang kwentas na yon ang palawit ay isang Cristal na kinuha pa nya sa taas ng bundok ng Can laon, namangha ako dahil dilikado ang lugar nayon kahit ako hindi pa nakakapunta doon. Sa mga taong magkasama kami ni Sarah ay puro mali nalang ang nakita ko sa kanya, pero ang katutuhanan ay sya ang nagbibigay lakas sa araw-araw na buhay ko, sa tuwing mahina ako, sa tuwing may sakit ako parati syang andyan mas binibigyan pa nya ng pagkakataon na matulungan ang iba kay sa sarili nya. Mas iniintindi nya ang kalagayan ko kaysa sarili nya. Kaya tanong ko sa aking sarili ako ba yung babae? Sabi ni tandang helaman may pagkakataon pa akung sabihin sa kanila habang hindi pa kami nakakalayo. Tumalikod ako sa kanila ngunit hindi kona maaninag masyado ang kanilang mga mukha dahil sa hamog na pumapalibot sa Karagatan sumigaw akung “mahal ko kayung lahat Ama, ina, mga kapatid, Sarah, at mga ka Isla. Ipagdasal nyo ako. Hinihintay ko na magsalita sila ngunit wala, ilang mga sandali pa ay may narinig akung salita PAG-ASA SA ISLA NG ZARAHEMLA, pa ulit-ulit na sinasabi nila. Sumigaw ako ulit na salamat ng ilang mga besis hanggang lumayu na kami at hindi ko na marinig ang kanilang boses. Ngumingiti akung papalayo habang umiiyak labing walong gulang ako ng mawalay sa aking pamilya. Hindi ako nagsasalita ng ilang mga oras dahil sa hindi parin ako makapaniwala na iniwan ko ang aking buhay sa Isla. Nagtanong sa akin si tandang helaman kung alam ko ang ibig sabihin ng balat ko sa braso, sinabi nya nayan ang simbulo nang pag-asa. Nang nagtanong ako kung anong ibig sabihin nya nang pag-asa ay sinagot nya ako na malalaman ko rin sa takdang panahon.

ANG PAGHAHANAP SA APAT NA MANDIRIGMA
Kabanata V
Isla ng agosh (isla ng hangin)

Ilang araw na kaming naglalakbay, at halos maubos na ang pabaong tinapay at tubig sa akin ni ina. Napagod narin ako sa kasasagwan at hindi ko alam ang aming patutunguhan dahil sa hamog ng karagatan na halos wala akung makita. Napuna ko ky tandang helaman na halos hindi sya umiinum at kumakain masyado, sa bagay ako parati ang pinagsasagwan nya ng bangka. sa uhaw at gutom ay nakatulog ako. Naramdaman ko habang natutulog-tumigil yung bangka na aming sinasakyan, nang idilat ko ang aking mga mata ay nakarating na kami sa Isla. Namangha ako dahil akala ko na wala nang ibang isla kundi ang isla namin, sa nakita kung lugar parang walang taong nakatira at magubat ang Isla. Tinanong ko si Tandang Helaman kung ano ang tawag sa Isla. Ang tawag daw ay Isla ng Agosh o Isla ng hangin.

Naglakad kami ni tandang helaman paakyat sa gubat, nagpahinga at nanguha ng mga prutas. Ibang klase talaga si tandang helaman, napipitas nya ang mga prutas na hindi ginagamit ang kamay nya, gamit lang ung pagiisip nya. Nagtanong ako sa kanya kung kagagawan nya ang paglutang ng bato at hindi ako. Sinabi nya sa akin na kahit malaman ko man o hindi wala na akong magagawa dahil ako ang itinakda. Tinanong ko sya uli kung bakit nga ako pinili na maging estudyante nya at hindi yung mga malalakas sa aming Isla. Ang sabi nya ang marka sa aking braso ang simbulo na ako ang unang itinakda. Tinanong ko sya kung ano ang ibig sabihin ng lunar sa aking braso, sabi naman ni tandang helaman nayan ang simbulo ng pag-asa.

Pagkatapos kumain at magpahinga nagsabi syang pumasok na, at ang nakita ko lang na papasukan ay ang kweba sa harap namin. Bumulung-bulong ako sa aking sarili kung nababaliw na ba ang matandang ito, at biglang binatukan nya ako ng kanyang sungkod at sinabi “ito ang unang leksyon na kailangan mung matutunan, kailangan kang magkaroon ng Pananampalataya”. Bulong ko sa aking sarili kung anong ibig sabihin nang pananampalataya. Sabi ni tandang helaman, na ang pananampalataya ay paniniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita ngunit totoo. Tulad daw ng isang hangin na hindi nakikita ngunit nararamdaman natin. Pagkatapos ipaliwanag ni tandang helaman sa akin ang tungkol sa pananampalataya, napag-alaman ko na hindi ako nagsasalita sa bibig kundi sa isip. Tumingin ako sa kanya at nagtanong kung paano nya nababasa ang isip ko at makipag kumunikasyon gamit ang isip. “Yun ang ituturo ko sayo” sabi ni tandang helaman. Sabi pa nya sa akin na ang sinasabi ko lang ang nababasa nya hindi ang mga litrato na iniisip ko sa utak, ibang klase talaga sya.

Pumasok na kami sa madilim na kuweba, habang naglalakad nakita ko na ang dulo ng kanyang sungkod ay umilaw para makita namin ang aming dinadaanan. Habang naglalakad ay nagtanong ako sa kanya kung tama yung narinig ko sa aming Isla na subrang tanda nya na, kasi kung titingnan ko si Tandang Helaman ay mga nasa apatnapo na ang kanyang edad. Sabi nya kasama sya ng mga tinatawag naming mga NINUNU-Ang unang mandirigmang dumating sa Isla naming at sa ibang Isla, at napag-isip ko na mga mahigit isang melinyo na o isang libong taon na ang kanyang edad.

Nang makalabas kami ay di ko namalayan na hanganan na pala yun ng lupa at nahulog na ako, mabuti nalang nahawakan ni Tandang Helaman ang kunop na nakasabit sa aking liig, at hinila ako paakyat. Mabilis ang pintig ng aking puso na inakala kung katapusan ko na sa mga oras na iyon, nakatungtung kami sa lumulutang na bundok. Sinabihan ako ni tandang helaman na kailangan din na tingnan ko ang aking dinadaanan at hindi padalos-dalos sa mga disisyon na aking gagawin para hindi mapahamak tulad nang nangyari sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagkakaligtas sa aking buhay.

Habang minamasdan ko ang lugar na ito ako’y namangha nang lubusan, parang sa kwento ni Itay na avatar. Nahulog ako dahil lumulutang lang ang mga bundok sa himpapawid. Ang daan ay sa gilid at hindi tuwid. Sinabihan ako ni tandang helaman na maglakad na nakatagilid, ang aking katawan ay isandal ko sa bundok, at wag akung titingin sa baba, para makasigurado ay hinahawakan nya ang aking kunop sa liig. Naghahalong kaba, at parang hindi na ako makahinga sa takot nabaka mahuhulog, nahirapan akung maglakad dahil sa panginginig ng aking buong katawan lalo na ang aking mga binti. Nang makarating kami sa taas ay hinimatay ako sa takot. Ilang mga oras pa nang nakagising ako at nakita ko ang maraming tao na naghihintay kay tandang helaman ito na ang Isla ng agosh (isla ng hangin).

Kabanata VI
Paghahanap sa unang itinakda


Pinagtataka ko ng dumating kami sa Isla at mag tatakip silim na, at nang makalabas kami sa kuwiba magbubukang liwayway pa lamang-Pyesta din sa islang ito at ito rin ang araw na kanilang pinagdidiriwang ang isang milinyung dumating ang kanilang mga ninunu sa isla nila, napatunayan ko sa sarili ko na tama ang sabi ni itay tungkol sa mga ninunu naming.

Dahil maraming handaan ay kumain ako ng maraming pagkain, at napag-alaman korin na kakaiba ang kanilang pagkain. Hindi sila kumakain ng karne, puro gulay, prutas, tinapay, at iba pa maliban sa karne. Dumating na ang oras na mag bibigay na naman si tandang helaman ng kanyang talumpati, hulaan kung ano ang kanyang sasabihin kung ano ang gagawin nya kinabukasan? Tama, palutangin ang bato sa eri. Habang kumakain ay nilapitan ako ng limang binatang lalaki na sa subrang bilis nila ay hindi ko namalayan na nasa tabi kona sila.

Tinanong nila ako kung ako ang estudyante ni tandang helaman at sinabi ko sa kanila na ako. Dahil napagalaman nila na ako ang unang ginawa ni tandang helaman na estudyante ay inakala nila na isa akung malakas na nilalang na may kakaibang katangi-an at kapangyarihan. Gusto nilang subukan ang aking kakayahan kaya ang ginawa nila ay sinabihan nila akung labanan sila, ngunit tumanggi ako dahil alam kung wala akung laban sa kanila. Kaya nilang kuntrolin ang Elmento ng hangin, dahil sa ilang ulit akung nagsabi sa kanila na hindi ako sumasang-ayun sa kanilang hamon at nakatahimik nalamang habang kinukutya nila.

Nagsimula akung tumayo at umalis sa kanila para makaiwas sa gulo, ngunit nang nakita nila ang kwentas na nakasabit sa aking liig. Tinanong nila ako kung sa akin ang kwentas na hinawakan ng kanilang kaibigan, nagtaka ako kung pano napunta sa kanila ang kwentas sa subrang bilis ay hindi ko nakita. Tumakbo sila papalayo at kinantyawan akung habulin sila, nagsabi sila sa akin na kung ako ang unang itinakda ay patunayan ko sa kanila at magpakitang gilas.

Hinabol ko sila para kunin ang kwentas, ng makarating ako sa isang bakanting espasyo ay pinalibutan at pinagbabatok nila ang aking ulo, pinagpasa-pasahan din nila ang kwentas. Hanggang napagod ako sa pagahahabol. Sabi nila na nagbibiro daw ako bakit hindi ko pa pinapakita ang aking lakas.Nagsimula ang isa na suntukin ako sa mukha pero nagtaka sya na hindi ako lumalaban o umiwas, kaya inakala nilang nagbibir lamang ako sa aking ginagawa, isa isa silang lumapit at pinagsusuntok at tinatadyakan ang aking katawan habang pinagtatawanan. Humihingi ako sa kanila ng awa-at hindi ko sila makita dahil sa subrang bilis nila ang tanging naramdaman ko ay ang sakit ng bawat tama ng kanilang kamao at sipa.

Nagsasalita ang isa sa kanila na tama na ang aking pagbibiro at seriousohin ko na ang laban, kung ako daw ang pinili. Sabi ko naman sa kanila na wala akung kakayahan nakiusap ng awa na ibigay nila ang kwentas sa akin habang nakahandusay sa lupa at duguan. Dumidilim na ang aking mga paningin na parang napag-isip ko na baka katapusan kona, ngunit sa kanila ay isang biro at pagpapanggap lang ang aking ginagawa. Sa kawalan ng pag-asa ay dumating ang isang ka edad ko na ka isla nila at nagsabing tumigil na sila. Sabi ng lima na wag daw syang makialam sa kaguluhan. Kumuha sya ng kapirasong papel sa kanyang bulsa at nakita ko habang hinahawakan nya ang papel ay nagliyab ito pero hindi nasusunog ang papel.

Biglang dumating si tandang helaman at inawat ang kaguluhan, itinapon nila ng palihim sa tabi ang kwentas na bigay sa akin ni Sarah at hinawakan ko ito at inilagay sa aking bulsa.

Doon ko nakilala si Moroni, ang nagligtas sa akin sa gabing yun kakaiba ang kapangyarihan ni Moroni. Tinulungan ako ni Moroni na tumayo at inaaalayan na isakay sa karusa na may kalabaw at dadalhin sa kanilang bahay para gamutin.


Kabanata VII
Isa pang pagkakataon-pagpapatawad

Nawalan ako ng malay habang nakasakay sa karusa, nagising na lamang ako na nakahiga na at nasa isang silid sa kubo, nakita ni Tandang Helaman na hindi maganda ang kalagayan ko kaya hinubad nya ang aking pantaas na damit at nang hinipo nya ang aking dibdib at tigiliran na pag-alaman nya na maraming buto ang nabali sa dibdib at aking tagiliran. Sabi nya na mapalad ako dahil buhay pa ako, kumuha sya ng piraso ng damit at inirulyo- nilagay sa aking bibig at sinabihan akung kagatin. Ipinatong ni tandang helaman ang kanyang mga kamay sa aking dibdib at nakita ko na may liwanag na lumalabas sa kanyang mga kamay naramdaman ko na nag-init ang aking katawan at biglang gumalaw ang mga buto ko na nabali at parang humahanay ito sa kanyang posisyon pero di ko mapigilan na sumigaw dahil sa sakit. Nawalan ako ng malay ng gabing ginagamot ako ni Tandang Helaman. Kinaumagahan, sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang limang kabataang lalake na kasing edad ko lamang na nakatayo sa aking harapan, sabi ng ama ni moroni kung sila ang aking nakita dahil pag sinabi kung sila ay papatungan sila ng hatol ng kamatayan at bibitayin sa harap ng mamamayan ng Agosh.

Nakita ko na ang iba sa kanila ay umiiyak sa takot, sinabihan ko ang ama ni Moroni na hindi ko kilala ang mga taong iyan dahil sa gabi at di ko maaninag ang kanilang mga mukha, dugtong ko pa na hindi sila ang mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun. Habang nagsasalita ako ay nakita kung tumutingin sila sa akin na nagulat dahil inakala nila dahil sa ginawa nila sa akin ay sasabihin ko sa ama ni Moroni na sila ung mga taong gumulpi sa akin ng gabing yun, at malalagay sila sa hatol ng kamatayan ng Isla nila. Sinabihan ako ng ama ni moroni kung sigurado ako sa aking sinasabi at sinabi kung sapat na ang sinabi ko at kailangan ko nang magpahinga. Sabi sakin ng ama ni Moroni na kanyang niririspito ang aking sinabi at aalis na sila, sabi ng lima kung pwede daw nila akung makausap at hiningi ang permiso ko. Sumangayun ako at nanatili sila sa loob ng silid. Lumuhod sila sa akin at nagpasalamat, humingi ng patawad. Nakita ko ang kanilang pagsisisi at sinabihan silang sa susunod wag nilang daanin sa biru-an ang lahat ng bagay. Sabi nila na balang araw ay papalitan nila ang kabutihang ginawa ko sa kanila na utang nila ang buhay nila sa akin. Nag-usap kami sa silid at nagkwentuhan.

Kinagabihan ay kinamusta ako ni Moroni, tinanong ko sya tungkol sa kanyang kapangyarihan at ang sabi nya sa akin na nang bata pa sya ay napag-alaman nya na may roon syang ganong kapangyarihan ng pinagalitan sya ng kanyang ama, nagalit sya at pumunta sa tabing ilog, kumuha ng bato at itinapon sa ilog at sumabog ito.sabi pa nya na hindi nya kayang kuntrolin ang elemento ng hangin ngunit lahat ng mahahawakan nya ay pwedi nyang gawing pasabok pag itoy kanyang binitawan. Mabilis ang aking pag galling, isa- dalawang araw lang ay humilom at bumalik na sa kundisyon ang aking katawan, sa buong buhay ko ang alam ko lang na hindi ako nagkakasakit . nagtataka ako bakit naghilum at gumaling ako ng dalawang araw, napag-alaman ko na mayroon akung kakayahan na hilumin ang aking mga sugat kaya pala hindi ako namatay ng gabing ginulpi ako sabi ni tandang helaman sakin.

Pinakilala ako ni Moroni sa kanyang pamilya, at nag-alok na doon kami manatili hanggang matapos ang paligsahan, pumayag naman si Tandang Helaman.

Dumating ang paligsahan at ang daming tao ang dumalo, pinakilala ako ni tandang helaman sa lahat na ako ang unang estudyante nya na nanggaling sa Isla ng Zarahemla, Isla ng pag-asa. Namangha ang lahat dahil akala nila na kathang-isip lang ang islang yun. Nakita korin ang kadalagahan sa lugar nila na tinitingnan ako na ngumingiti, nang itaas ko ang aking kamay para kumaway ay binatukan ako ni tandang helaman at nagsabing alam nya ang aking iniisip, napahiya tuloy ako sa aking sarili.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!