Kabanata VI
Pinagtataka ko ng
dumating kami sa Isla at mag tatakip silim na, at nang makalabas kami sa kuwiba
magbubukang liwayway pa lamang-Pyesta din sa islang ito at ito rin ang araw na
kanilang pinagdidiriwang ang isang milinyung dumating ang kanilang mga ninunu
sa isla nila, napatunayan ko sa sarili ko na tama ang sabi ni itay tungkol sa
mga ninunu naming.
Dahil maraming handaan ay
kumain ako ng maraming pagkain, at napag-alaman korin na kakaiba ang kanilang
pagkain. Hindi sila kumakain ng karne, puro gulay, prutas, tinapay, at iba pa
maliban sa karne. Dumating na ang oras
na mag bibigay na naman si tandang helaman ng kanyang talumpati, hulaan kung
ano ang kanyang sasabihin kung ano ang gagawin nya kinabukasan? Tama, palutangin
ang bato sa eri. Habang kumakain ay nilapitan ako ng limang binatang lalaki na
sa subrang bilis nila ay hindi ko namalayan na nasa tabi kona sila.
Nagsimula akung tumayo at umalis sa kanila
para makaiwas sa gulo, ngunit nang nakita nila ang kwentas na nakasabit sa
aking liig. Tinanong nila ako kung sa akin ang kwentas na hinawakan ng kanilang
kaibigan, nagtaka ako kung pano napunta sa kanila ang kwentas sa subrang bilis
ay hindi ko nakita. Tumakbo sila papalayo at kinantyawan akung habulin sila, nagsabi sila sa akin na kung ako ang unang
itinakda ay patunayan ko sa kanila at magpakitang gilas.
Hinabol ko sila para
kunin ang kwentas, ng makarating ako sa isang bakanting espasyo ay pinalibutan
at pinagbabatok nila ang aking ulo, pinagpasa-pasahan din nila ang kwentas. Hanggang
napagod ako sa pagahahabol. Sabi nila na
nagbibiro daw ako bakit hindi ko pa pinapakita ang aking lakas.Nagsimula ang
isa na suntukin ako sa mukha pero nagtaka sya na hindi ako lumalaban o umiwas,
kaya inakala nilang nagbibir lamang ako sa aking ginagawa, isa isa silang lumapit
at pinagsusuntok at tinatadyakan ang aking katawan habang pinagtatawanan. Humihingi
ako sa kanila ng awa-at hindi ko sila makita dahil sa subrang bilis nila ang
tanging naramdaman ko ay ang sakit ng bawat tama ng kanilang kamao at sipa.
Nagsasalita ang isa sa
kanila na tama na ang aking pagbibiro at seriousohin ko na ang laban, kung ako
daw ang pinili. Sabi ko naman sa kanila
na wala akung kakayahan nakiusap ng awa na ibigay nila ang kwentas sa akin
habang nakahandusay sa lupa at duguan. Dumidilim na ang aking mga paningin na
parang napag-isip ko na baka katapusan kona, ngunit sa kanila ay isang biro at
pagpapanggap lang ang aking ginagawa. Sa
kawalan ng pag-asa ay dumating ang isang ka edad ko na ka isla nila at
nagsabing tumigil na sila. Sabi ng lima na wag daw syang makialam sa kaguluhan.
Kumuha sya ng kapirasong papel sa kanyang bulsa at nakita ko habang hinahawakan
nya ang papel ay nagliyab ito pero hindi nasusunog ang papel.
Biglang dumating si tandang
helaman at inawat ang kaguluhan, itinapon nila ng palihim sa tabi ang kwentas
na bigay sa akin ni Sarah at hinawakan ko ito at inilagay sa aking bulsa.
Doon ko nakilala si
Moroni, ang nagligtas sa akin sa gabing yun kakaiba ang kapangyarihan ni
Moroni. Tinulungan ako ni Moroni na tumayo at inaaalayan na isakay sa karusa na
may kalabaw at dadalhin sa kanilang bahay para gamutin.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!