Kabanata II
Kinagabihan habang kumakain kami sa hapagkainan, ay
nagtanong si ina kung sabik daw ako para sa gagawing pagsubok para bukas. Sabi
ko naman ay wala akung gana at magkakasakit ako sa mga oras na yan. Pinagtawanan naman ako ni bunsoy at sinabing
nababakla lang siguro ako. Sabi ni itay bakit hindi ko daw subukan. Sabi ko naman sa kanila, na halos lahat sa
Isla ay malalakas maliban nalang sa akin, sabi ko pa sa kanila na siguro malas
ako dahil pinanganak akung may balat sa kamay. Sabi ni itay na ako daw ay isang
biyaya mula sa langit na ibinigay sa kanila at wag akung mag isip ng ganyang
mga bagay. Dugtong pa ni inay “Alam mo, Abraham wala na kaming masasabi sayo,
mabait ka, masipag, magalang, matulungin kaya kung ano man ang maging desisyon
mo bukas ay sya naming igagalang.” Nagbiruan nga kami bakit hindi binanggit ni
ina ang salitang gwapo. Pagkatapus
kumain ay tinulugan naming si ina sa pagliligpit. Nagpahangin ako sa labas ng
bahay, kahit na sinabi nila inay at itay yun ay di parin mawala sa aking isipan
na iba ako sa nakakarami.
Dumating ang bukang liwayway, pero sinadya kung tanghali na
gumising at tinutuo ang aking pagkukunwari na may sakit. Sinabihan ko sina itay at inay na mauna nalang
at susunod nalang ako. Pumunta ako sa
bundok para magpalipad ng saranggola ngunit inakala kung madami ang pupunta dahil
ang araw na to ay araw kung saan nagsisimula ang paglakas ng hangin at pataasan
at pagandahan ng saranggula. Lahat pala ay pumunta sa paligsahan maliban sakin.
Kaya nagpasya nalang ako na bumaba at makinood sa paligsahan, dumating ako sa
lugar nang pagtitipun hapon na. Nakinood ako sa kanilang paligsahan,-nagtanong
ako sa kakilala namin kung ano ang ginagawa ng bato na kasing laki nang aking
kamao sa gitna. Sabi naman nya na kung sino man ang makakapagpalutang ng bato
ay sya nyang gagawing disipulo. Sa Isla kung saan kami naninirahan ay may
mahika at kapangyarihan na hindi maipaliwanag. Kaya napag-isip ko na kaya
ginawa ni tandang helaman ang paligsahan para malaman kung sino ang may
potential na kakayahan. Nakita ko na
maraming paulit-ulit na sumubok na paangatin ang bato, ang iba napagalaw nila
pero di napaangat, namangha ako sa kakayahan nila. Pero hindi parin nakapasa sa
pagsubok ni tandang Helaman, lahat ay bigo at sumuko. Bulong ko sa aking sarili
na mabuti nalang na hindi ako sumali dahil sila nga na may pambihirang
kakayahan at lakas ay nabigo ako pa na isang pipityuging tao lamang sa aming
isla, siguradong pagtatawanan lamang ako.
Ngunit nagtaka kaming lahat bakit
hindi pa pinapaalis ni tandang helaman ang mga tao, nagtaka ako kung ano pa ang
kanyang hinihintay. May nagtanong kung bakit hindi pa nya pinapaalis kaming
taga baryo. Ngunit ng sinaabi ni tandang helaman na may isa pang hindi
pumupunta sa gitna, hindi dumadaan sa pagsubok.
Ang unang pumasok sa isip ko ay sumibat sa karamihan bago pa malaman na
ako pa ang hindi nakakadaan sa pagsubok, nagtanong ako sa aking sarili kung
paano nya nalaman. Ang ginawa ko ay tumalikod ako, dahan-dahang papalayo para
hindi mapansin. Biglang sinabi ni
tandang helaman “saan ka pupunta?” sabi ko naman, hindi ako yung tinutukoy nya.
Pinagpatuloy ko ang paglalalakad at biglang tumakbo ng mabilis ngunit ako’y
nabunggo sa isang tao. Nang tumingin ako kung sinong pakialamiro, si tandang helaman
ang ang nakabunggo ko, sabi ko sa sarili-kung pano nya ginawa yun? Subrang
bilis nya para makarating agad sa kinaruruunn ko. Tinanong ko sya kung bakit at
bigla syang humarap malapit sa mukha ko at nagsabi “ikaw pa ang hindi nakadaan
sa pagsubok”. Sabi ko naman na hindi ako
kasali, pinapili ako ni tandang helaman subukan ko o ipapakain nya ako sa mga
pating.
Wala na akong ibang pagpipilian, pero nasa isip ko na ayus
lang kasi imposibli namang kaya kung pagalawin ang bato at paangatin. Pumunta
ako sa gitna at biglang tumahimik ang lahat, nakita ko si ina na pinagsisigawan
yung pangalan ko at pinagmamalaki nila na ang anak nila ang sa gita. Ganon din
ang mga kapatid ko.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!