Taong tatlong libo at siyam na
raan. Pagkatapos ng matagal na katahimikan sa ibabaw ng lupa-isang gabing
tahimik ay dumating ang
araw na kinatatakutan ng bawat nilalang na naninirahan sa mundong ibabaw.
Dahil sa hindi na mapigilang kasakiman sa kapangyarihan, kayaman, mga sekritong
kumbination, pagtalikod sa kabutihan at kawalan ng pananampalataya sa Lumikha
at digmaan ng mga tao. Isinilang ang isang kakila-kilabot na araw, ang araw nang kadiliman.
Dahil hindi na balansi ang
mundo sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, sa isang liblib na mundo isinilang
ang kampon ng kadiliman, nasira ang mantil
sa pagitan ng mga tao at kadilimang nilalang. Sa kadahilanang wala silang mga
katawang lupa ay sumanib sila sa mga taong handang ibigay ang kanilang kaluluwa
sa dilim. Ang mga sundalo ng dilim ay sa mga patay sumanib. Nilusob nila
ang bawat Isla sa buong mundo at nagkaruon ng walawakang digmaan sa pagitan ng
mga tao at nilalang ng kadiliman. Dahil naghari ang kasamaan sa puso ng mga
sakim ay madaling
sinakop ang mundo ng mga tao, ang masaklap karamihan ay sumanib sa kasamaan.
Mas ginusto nilang pumatay ng kapwa tao-patayin ang kanilang kapatid kaysa
mamatay.
Ang pinunu ng kadiliman ay
nagngangalang Curiantumr. Pagkatapos ng digmaan at nag wagi ang
kadiliman, nagbigay ng unang utos si Curiantumr, na lahat ng
nilalang na gustong mabuhay ay dapat magsamba sa mga dios-diosan,
mahalin ang pera at makamundong bagay, ialay ang kanilang mga sanggol na babae
sa dios nilang gawa sa bato. Ang hindi sumang-ayun ay pinapatay nila ng walang
awa. Ang mga lalake ay tinatalian nila at sinasabit sa mga sanga ng puno at
bago magtakip silim ay walang awang sinusunog ng buhay. Ang mga babae ay
ginagawang alipin, at ang mga sangol at kabataang lalaki ay
pinapakain nila sa mga halimaw. Ito ang nangyari sa mundo, mundong
mapayapa noon, ngunit mga ungol nalang ng pag-iyak na humihingi ng katarungan,
pag-asa, at awa ang maririnig tuwing gabi. Ang bunga ng kamangmangan ng taong
sakim ay dusa sa lahat.
Bago
natapos ang digmaan ng mundo at libo-libo ang namatay, may mga grupo ng
indibiidwal na pinalad na mabuhay at tinawag silang Mandirigma. Sila ay
nanggaling sa ibat ibang lahi, para maibangon sa huli o maisalba ang iba
ay ninais nilang lumayo at umipon ng lakas bago magdigma ulit. Naglakbay sila
sa dalampasigan ng ilang mga buwan, nanalangin na ang kanilang buhay ay iligtas
at hindi masundan ng kalaban. Dinala sila ng panahon, nakarating sila sa
mga isla na inihanda para sa kanilang kaligtasan bawat lahi sa bawat isla: Agosh-Isla ng Hangin, Akish-Isla ng Lupa, Anathoth-Isla ng Tubig, Gadiomnah-Isla
ng Apoy, Zarahemla-Isla
ng Pag-asa. Isang nakakatanda sa mga nakaligtas na ang pangalan ay Lehi ay nag
propesya na darating ang araw na ang munting liwanag ng pag-asa ay
sisibul muli sa gitna ng kadiliman isang melinyo mula ngayon. Sa darating
na panahon kailangang magsanib pwersa ang Limang isla para labanan ang kampon
ng kadiliman.
Si
Helaman isa sa gropu ng mga mandirigma ay binigyan ng isang malaking
katungkulan. Mananatili syang buhay, hanggang sa huling araw na bumalik muli
ang liwanag sa mundo ng mga tao. Hihintayin nya ang isang milinyo at
hahanapin at sasanayin ang Limang Itinakda para gawin at gampanan ang kanilang
katungkulan. Si Tandang Helaman ay makakapunta lamang sa Mundo ng mga
espirito pag matapos maikasatuparan ang kanyang Misyon. Sinabi din ni
Lehi na sa huling araw ang mga mandirigmang mamamayan sa apat elementong Isla
ay magsasama para sa huling laban-mabubuo ang grupo dahil hahanapin sila ng
isang mandirigma na manggagaling sa isla ng pag-asa . Samahan nyo kami
sa paglalakbay, sa kwentong ito matututunan natin ang ibig sabihin ng
, pagkakaibigan, pagmamahal, pag-asa at sakripisiyo.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!