Barbekyung Manok
Sangkap:1 manok na dumalaga
4 na kutsaritang asukal
2 kutsarang toyo
21/2 tasang dinikdik na bawang
1 kutsarang dinikdik na bawang
2 kutsarang betsin
Paano gawin:
Paghaluin ang toyo, asukal, dinikdik na bawang,paminta at betsin. Ibabad dito ang manok sa loob ng dalawang oras bago iihaw. Tandaan lamang na pwedeng dagdagan ang mga sangkan o bawasan depende sa gustong panlasa ninyo.
Sarsang Pambarbekyu:
1 tasang serbesa
1 1/2 tasang chili sauce
2 kutsarang ginayat na sibuyas
2 kutsarang suka
2 kutsarang asukal
2 kutsarang worcestershire sauce
2 kutsarang chili powder
Paano gawin:
Pagsama-samahin sa kawali ang lahat ng mga sangkap. Pakuluin at ipagpatuloy ang pagpaluto nang mga 2 minuto sa katamtamang init. Masarap itong ipansarsa sa inihaw na manok.
Ginataang Manok
Sangkap:
1 Katamtamang laking manok, ilaga at himayin
1 sibuyas, hiwain
1 ulong bawang, dikdikin
2 kutsarang mantikilya
1 niyog, kayurin asin at paminta
1 pirasong luya
1 kutsarang curry powder
1 latang gisantes
Paano gawin:
Pigain ang niyog upang makakuha ng isang tasang gata. Itabi sandali. Samantala, tunawin sa kawali ang mantikilya. Papulahin ang bawang at ihalo ang sibuyas. Isama rin ang katas ng luya (piniga mula sa kapirasong luya) at ang hinimay na nilagang manok. Budburan ng curry powder at ipagpatuloy ang pagluluto sa katamtamang init. Timplahan ng asin at paminta upang magkalasa. Lutuin nang mga limang minuto pa. Ihalo ang gata ng niyog. Hanguin sa apoy. Isama ang gisantes at ihaing kasabay ng mainit na kanin.
Parating tandaan na ang pamilya na kumain ng sabay ay tumutulong sa isang pamilya na maging masaya at matatag.
"Chicken rolls"

Sangkap:
3/4 lbs. hipon, binalatan, inalis ang ugat sa likod
3 malalaking pitso ng manok, inalisan ng buto at hinati sa gitna
asin
1 tasang all-purpose flour
1 1/4 na kutsaritang baking powder
3/4 na tasang mantikilya
1/2 tasang sibuyas na mura, hiniwa nang maliit
3/4 na tasang tinadtad na parsley
mantika
Paano gawin:
Lutuin at hatiin sa tatlo ang bawat hipon. Sa isang sangkalan, sa pamamagitan ng likod ng mapurol na kutsilyo o mallet, pukpukin ang pitso ng manok hanggang sa ito'y lumapad (1/4 pulgadang kapal).
Sa isang bowl, paghaluin ang hipon, mantikilya, sibuyas na mura at asin (puwedeng lagyan ng betsin kung gusto, tungkol naman sa rami ng asin na ilalagay 1/2 kutsarang pinong asin) Haluing mabuti, at bilugin ito na parang jelly roll. Tusukin ng toothpick upang huwag sumabog. Kapag nabilog nang lahat ang pitso ng manok, ilagay sa isang lalagyan, takpan at iwan sa refrigerator sa loob ng 15 minuto.
Magpainit ng maraming mantika upang lumubog ang rolls kapag ipinirito na. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang arina, asin, baking pwnder at paghaluing mabuit. Dito igulong ang chicken rolls bago iprito. Pag kulay ginto na, ilagay ang rolls sa ibabaw ng mainit na kanin, budburan ng tinadtad na parsley at lagyan ng dekorasyon.
Parating tandaan na ang pamilya na kumain ng sabay ay tumutulong sa isang pamilya na maging masaya at matatag.
"Kroketas na Manok"
Sangkap:
1 tasang manok na tinadtad
1 sibuyas na tinadtad
6 na patatas
6 na kutsarang mantika
2 butil na bawang
2 malaking kamatis tinadtad
1 itlog
katamtamang asin
3 kutsarang dinurog na biskotso
Paano gawin:
Magagamit sa lutong ito ang mga natirang manok na inihaw, pesa, pinirito at iba pa. Sa mantika ay pabanguhin ang bawang at kung mabango na ay ilahok ang sibuyas, kamatis, asin at dito gisahin ang manok. Kapag luto na ay ilagay na sa isang pinggan at hatiin sa anim o walong tumpok na magkakasindami. Ilaga ang patatas, saka talupan at duruging mabuti ng tinidor hanggang, sa maging parang haleya. Hatiin din sa anim o walong tumpok, at gawing bola-bola ang bawat tumpok at pagulungin sa dirunog na biskotso upang maipalaman sa bawat tumpok ng manok. Ang bawat bola-bola ay itutubog sa binating itlog at prituhin sa mantika hanggang sa pumula ang kulay.

No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!