Kabanata V
Isla ng agosh (isla ng
hangin)
Ilang araw na kaming
naglalakbay, at halos maubos na ang pabaong tinapay at tubig sa akin ni
ina. Napagod narin ako sa kasasagwan at
hindi ko alam ang aming patutunguhan dahil sa hamog ng karagatan na halos wala
akung makita. Napuna ko ky tandang helaman
na halos hindi sya umiinum at kumakain masyado, sa bagay ako parati ang
pinagsasagwan nya ng bangka. sa uhaw at gutom ay nakatulog ako. Naramdaman ko
habang natutulog-tumigil yung bangka na aming sinasakyan, nang idilat ko ang
aking mga mata ay nakarating na kami sa Isla. Namangha ako dahil akala ko na
wala nang ibang isla kundi ang isla namin, sa nakita kung lugar parang walang
taong nakatira at magubat ang Isla. Tinanong ko si Tandang Helaman kung ano ang
tawag sa Isla. Ang tawag daw ay Isla ng Agosh o Isla ng hangin.
Pagkatapos kumain at magpahinga nagsabi syang
pumasok na, at ang nakita ko lang na papasukan ay ang kweba sa harap namin. Bumulung-bulong
ako sa aking sarili kung nababaliw na ba ang matandang ito, at biglang binatukan
nya ako ng kanyang sungkod at sinabi “ito ang unang leksyon na kailangan mung
matutunan, kailangan kang magkaroon ng Pananampalataya”. Bulong ko sa aking sarili kung anong ibig
sabihin nang pananampalataya. Sabi ni
tandang helaman, na ang pananampalataya ay paniniwala sa isang bagay na hindi
mo nakikita ngunit totoo. Tulad daw ng isang hangin na hindi nakikita ngunit
nararamdaman natin. Pagkatapos ipaliwanag ni tandang helaman sa akin ang
tungkol sa pananampalataya, napag-alaman ko na hindi ako nagsasalita sa bibig
kundi sa isip. Tumingin ako sa kanya at nagtanong kung paano nya nababasa ang
isip ko at makipag kumunikasyon gamit ang isip. “Yun ang ituturo ko sayo” sabi
ni tandang helaman. Sabi pa nya sa akin na
ang sinasabi ko lang ang nababasa nya hindi ang mga litrato na iniisip ko sa
utak, ibang klase talaga sya.
Pumasok na kami sa
madilim na kuweba, habang naglalakad nakita ko na ang dulo ng kanyang sungkod
ay umilaw para makita namin ang aming dinadaanan. Habang naglalakad ay nagtanong ako sa kanya
kung tama yung narinig ko sa aming Isla na subrang tanda nya na, kasi kung
titingnan ko si Tandang Helaman ay mga nasa apatnapo na ang kanyang edad. Sabi nya kasama sya ng mga tinatawag naming
mga NINUNU-Ang unang mandirigmang dumating
sa Isla naming at sa ibang Isla, at napag-isip ko na mga mahigit isang melinyo
na o isang libong taon na ang kanyang edad.
Nang makalabas
kami ay di ko namalayan na hanganan na pala yun ng lupa at nahulog na ako, mabuti
nalang nahawakan ni Tandang Helaman ang kunop na nakasabit sa aking liig, at hinila
ako paakyat. Mabilis ang pintig ng aking puso na inakala kung katapusan ko na
sa mga oras na iyon, nakatungtung kami sa lumulutang na bundok. Sinabihan ako
ni tandang helaman na kailangan din na tingnan ko ang aking dinadaanan at hindi
padalos-dalos sa mga disisyon na aking gagawin para hindi mapahamak tulad nang
nangyari sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagkakaligtas sa aking buhay.
Habang minamasdan ko ang lugar na ito ako’y namangha nang
lubusan, parang sa kwento ni Itay na avatar. Nahulog ako dahil lumulutang lang ang
mga bundok sa himpapawid. Ang daan ay sa
gilid at hindi tuwid. Sinabihan ako ni tandang helaman na maglakad na
nakatagilid, ang aking katawan ay isandal ko sa bundok, at wag akung titingin
sa baba, para makasigurado ay hinahawakan nya ang aking kunop sa liig. Naghahalong kaba, at parang hindi na ako
makahinga sa takot nabaka mahuhulog, nahirapan akung maglakad dahil sa
panginginig ng aking buong katawan lalo na ang aking mga binti. Nang makarating
kami sa taas ay hinimatay ako sa takot. Ilang mga oras pa nang nakagising ako
at nakita ko ang maraming tao na
naghihintay kay tandang helaman ito na ang Isla
ng agosh (isla ng hangin).
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!