Saturday, November 9, 2013

Maalaala mo kaya MMK Si Roger nabuntis si Jecel habang sila ni Emely

Kwento ng mag dalawang tao na nagmahalan, si Roger at Emely,

Sa una ayaw ni Emely na mag ka boyfriend dahil para sa kanya hindi pa sya handa, sa pag pupursigi ni Roger ay sinagot sya ni Emely. Di naglaon ay nagtapat si Roger ng kasal sa iniibig nitong si Emely, kaso gusto ni Emely na matapos muna ang pagaaral bago sila magpakasal....sa gitna ng kanilang pagsasama bilang kasintahan ay may di inaasahang panyayari nagtapat si Roger na nabuntis nya si Jecel.

Nang narinig yun ni Emely ang ang mga bagay na yun galing mismo sa kanyang minamahal sa loob ng simbahan ay gumuho ang kanyang mundo, gusto ni Roger na magtanan sila ni Emely, para takbuhan ang mundo na ayaw nyang harapin, Mas pinili ni Emely na maghiwalay sila ni Roger dahil sa responsibilidad nya sa bata. kahit na masakit sa kanya ang gagawin nila-dahil mahal nga si Roger ng buong buhay nya, pagkalipas ng ilang buwan napag-alaman ni Emely na nagpakasal na si Roger at si Jesel.

Kaya pagkatapos ng graduation sa college ay lumayo na ito sa kanilang lugar nagasawa si Emely sa lalaking mahal sya pero hindi nya naman mahal...pagkalipas ng ilang mga taon dahil nawalan ng trabaho ang asawa ni Emely, at sinabi sa kanya na umuwi sila sa Cebu kung saan nandoon ang pamilya nilang dalawa, ayaw ni Emely na umuwi sana dahil sa kanyang pagbabalik ay babalikan din ni Emely ang kanyang nakaraan-ang nakaraan nila ni Roger.  Pero sa huli ay pumayag na si Emely na umuwi sa kanilang lugar at doon magsimula uli sa buhay at mag ne-negosyo para sa kanilang pangkabuhayan.

Pagkalipas ng ilang mga taon, nagkaroon na ng anak sina EMely at isang apo, isang araw habang nagbabantay ito ng kanilang bigasan ay mag natanggap itong text galing kay Roger, pero hindi nya ito pinapansin...dumaan pa ang mga araw at bumisita si Roger sa kanyang kaibigan at hindi inaasahan na nag hatid si Roger ng tangki ng gasol, at doon nagkita sila at nagusap.

Dahil sa mga nangyaring yun ay muling nabuksan ang nakaraan at nagkasundo ang dalawa na sikritong magkita at magusap pero hindi sila gumagawa ng mahigit pa sa paguusap at hawakan ng kamay.

Pagkalipas ng ilang mga buwan na pagkikita ay sinuyo ni Roger si Emely saq loob ng simbahan na magtanan, sa kadahilanang malaki na ang kanilang mga anak at nakita sila ni Jecel na magkasama minsan, hindi na daw maitatago ang kanilang lihim, panahon naman na sila namang dalawa ang maging masaya sa mahabang panahon na pagsasama sa mga kanilang mga asawa na di naman nila mahal.

Sa huli nagkita sila ulit sa simbahan na kung saan sila noon huling nagkita at naghiwalay, bumuo ng disisyon na naging resulta sa kanya kangyang buhay. Nang nagkita ni Roger sa mga mata ni Emely ang lungkot, at doon pinagtapat ni EMely na kait hindi nga mahal ang kanyang asawa ay mahal nya ang kanyang anak at apo, gusto nyang makitang lumaki ang kanyang apo at gabayan ang kanyang pamilya-mahal nya sa kabuuhan ang kanyang pamilya. Naghiwalay silang dalawa na sa huling pagkakataon nabigyan ng kunklosyon ang kanilang kwento.


Sa buhay hindi lahat maaayun sa ating mga kagustuhan at mga plano, may mga bagay na hindi natin hawak at may mga nagyayari sa gitna noon na hindi inaasahan.  Sa kwentong ito ano ba ang mahalaga, Pag-ibig o risponsibilidad, sariling kaligayahan o kalahatan? sa kwentong ito natutunan natin na ang lahat ng bagay ay may kinalalagyan, at mahalaga na magkaroon tayo ng disisyon-disisyon na di lang tinitingnan ang mandaliang resulta kundi ang kinahahatnan nito. Spiritually minded is life eternal.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!