Saturday, November 9, 2013

Capiz Iloilo City nasa state of calamity

Lalawigan ng Capizay ay nasa state of calamity o sa buong Iloilo, maraming bahay ang nawalan ng bubong at nawasak, Maraming puno ang natumba, hindi inakala ng mga tao o mamamayan sa lugar ng Iloilo na mangyayari ang mga bagay na ito dahil marami ng mga taon at bagyo ang dumaan pero ngayon lang nangyari sa bagyong pinangalanang yolanda ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan ng Iloilo.

Dahil din sa napakalakas na hangin na dala ng super typhoon yolanda ay tumaas ang tubig sa baybayin o ang hampas nito sa mga bahay kaya hindi makatawid galing cadiz to iloilo dahil mataas sa taas ng tubig. Mahigit 6000 pamilya apektado ng bagyo sa Iloilo; anim patay. Sagilid ng kalsada ang iba namalagi sa ngayon dahil sa natamong sakuna, mga lugar na walang tubig at kuryente mga 60% sa area. At hirap makapunta ang mga relief goods o tulong sa mga iba't ibang baryo dahil sa mga kahoy na nakabangga sa daan at ganon din mga yero at iba pang mga materyales na tila inihagis ng bagyo.

Hindi lamang mga gamit ang nasira, kundi ang masaklap ang mga buhay na nawala o nasawi dahil sa bagyong ito, marami pang mga risidinti ang hindi pa nahahanap. Dahil ito sa pagtaas ng tubig, nabagsakan ng mga kahoy o pader. Dapat na makarating na ang tulong, pagkain, tents para matulugan, damit, ganon din ang gamot dahil nagkakasakit. Sa Ganitomg pangyayari, hindi mo na naisip ang gamit dahil ilang minutes lang maraming mangyayari unahin po natin yung pina ka safe place na pupuntahan, ikalawa sabihan ang mga anak o mag meeting sa pamilya kung ano ang gagawin at d dapat, dapat may time frame din halimbawa ilang oras malkakapunta sa safe place, ano ang sasakyan o kung tatakbo kung may bata it will take ilang minutes.

Mas maganda as early, wag nating underestimate ang bagyo o kalamidad. Kailangan na as early makapaghanda na. Hindi lang po ito ngayon lang may mga susunod pa na sakuna. Nakita ko nga kahit yung mga lugar na evacuation ay d rin nakaligtas-yung bubung inilipad. Isa din na pumasok sa isip ko na pumunta sa mataas na lugar o may second floor pataas para sa pagtaas ng tubig ay may mga paraan na makaligtas. Dapat matibay din ang lugar na nan doon ang pamilya.

Ang tanong ano na ang gagawin natin pagkatapos nito, may bahay paba tayung uuwian, pamilya? kumusta ang ating hanap buhay? naway buksan natin ang ating mga puso para sa mga nangangaylangan.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!