Bagyong yolanda 15 hours na hinagupit ang Visayas.
Last month lang Lindol ngayon super typhoon naman, noon nanonood ako sa national geographic tungkol sa isang segment nila tungkol sa paghahanda yung iba may mga armas may mga 10 years na supply ng pagkain sa kanilang basement. Sabi ko pwede bayon na mangyayari na sa huling araw magpapatayan ang mga tao dahil sa kadahilanang mabuhay o mag survive...kanina lang sa TV nakita ko binubuklas ng mga mamamayan ang mga business establishment para kumuha ng mga pagkain-dahil daw ayos lang sa mga may ari basta pagkain lang yung kukunin, pero sa nakita ko at nabalitaan ng mga news reporter pati appliances ay kinukuha, sabi ko, sa ngayon dahil may mga tulong na dumadating dalawa o tatlong araw depende sa lokasyon, pero napaisip ako, how about talagang subra nang lakas ng bagyo o lindol at yung tulong ay mahirap nang gawin, magpapatayan ba para maka survived?
Sa aking natunghayan parang sana di lang mangyari na para lang makakain papatayin yung iba makapagnakaw lang. Hindi ko sila masisisi sa gita ng ganitong sitwasyon sa isip ng tao makaligtas, mabuhay hindi na alintana kung tama o mali ang ginagawa.
Kaya sa akin, talagang maghanda na, pwede ngang makabili ng sariling life jacket o portable boat...We need to act individually not only na maghintay ng tulong galing sa pamahalaan, kasi ang immediate na pagkukunan ng tulong una ang Dios, sarili, at pamilya, I'm thinking what's next ano yung susunod na mangyayari, hindi ko naman sinasabi na o pinapanalangin na may mga ganitong pangyayari, ang sakin lang handa ba tayo, dahil itong mga bagay nato o sa mga nakita ko ay at piangaaralan hindi pa, sa aking opinyon.
May roon naba tayong buildings for evacuation that can hold earthquake, tsunami, super tyhoon at iba pang mga kalamidad. Na easy access para maiwasan natin ang buhis buhay? minsan nga nakakapagtaka laki ng nawawala sa Pilipinas in terms of buwis o pera ng mamamayan, sana sa mga ganitong mga bagay na makakatulong wag naman nating isipin na isip bata lang ang paggawa ng safe buildings. Parang Project Noah. Kasi pag ganito lang na pag may bagyo punta kayo school, GYM, nakita ko sa report maraming batang namatay sa isang school, dahil first floor ang school pagtaas ng tubig naabot ng baha at nalunod ang mga bata. Sana mag advance naman tayo sa structure at technology, ating helicopter ay 10 years behind sa iba, yung iba black hawk ginagamit-sa iba computer nalang ang nagdadala. Sabihin nating la tayong pera, lang pera ang pilipinas di pa tayo handa, pork barrel ngayon lumutang, hanggang noon pa siguro Billion na Billion na ang sana makakapunta sa mamamayan kung susuriin.
Saan naba tayo ngayon, in terms of preparation sa calamity, handa ba tayo? pag hindi, anong gagawin mag handa ng relief goods? sana mas mataas pa doon hindi lang for mandalian lang. In the house of our Father hindi ganito, He gave us all the resources so that we can use it for good. Are we moving forward for good?
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!