Saturday, November 9, 2013

Bagsik ni Yolanda Super Typhoon malaking pinsala ang iniwan

Bagsik ni Yolanda hinagupit ang ibat ibang lugar sa Visayas,Leyte, Cebu, andon na ang Bohol, Negros Occidental, Pati na ang Iloilo palabas.  Ang mga bahay yung mga bubong ay talagang natanggal, at yung mga bahay na malapit sa dagat ay tumaas yung tubig at tila naging ilog yung lugar.

Naputol din ang communication dahil sa nabagsak ang mga linya ng kuryente at posti.  Parang nakakalungkot dahil nakita ko sa TV yung sa mga daan makikita yung mga katawan ng mga namatay...naisip ko yung lungkot dahil, hindi masyado kami hinagupit pano next time kami naman, sabagay hindi natin masasabi, kailangan talagang maghanda, sabi nga ng mga reporters na nakasaksi o nandoon sa lugar ng pangyayari pati yung mga evacuation center ay natanggal ang mga bubong, tulad ng school, studiom, at iba pa.

Yung mga tao sinisira ang mga tao sinisira na yung mga grocery stores, tindahan, at iba pa na may mga pagkain-akala ko sa movies lang makikita yun sa pagdating ng mga kalamidad but in reality pala yun ang mangyayari...parang sa ganitong mga sitwasyon, pamilya na talaga ang maaasahan, pwede nga palang magpatayan sa huli pag dating ng ganitong sitwasyon.

Maghanda ng 72 hours kit andoon yung pagkakain na makakaabot na tatlong araw, maganda dilatas kasi kahit mabasa ay hindi masisira, ganon din pwedeng makain agad at hindi mabigat noddles atbp. kasama sa 72 hours kit ang flashlight, tissue na nakalagay sa plastic para di mabasa.

No comments:

Post a Comment

Thank you for your comment!