Narinig ko kanina sa isang speaker, sinabi nya kung pwede ba nating o nilang idahilan na ginagawa ko ang mali para sa tamang layunin? ang nangyari sa Takluban yung niloob nila yung mga business establishment para makakuha ng pagkain, at di alintana pati yung mga appliances ay kasama. Tama yung layunin nila ma makakain, pero tama ba ang kanilang ginagawa?
Isa sa mga ginawa ng ating pamahalaan ay nag bigay ng babala kasama ang radyo at sa telebisyon sa darating na super typhoon yolanda. Ang mga bagay na bumabag saking isipan ay, naghanda ba sila ng pagkain na aabot sa sa tatlong araw? d naman kailangan na mahal yung mga pagkain na kanilang bibilhin. Ilang mga araw ay nagbabala na ang medya ayun sa darating na bagyo, nakalipat ba ang lahat o karamihan sa evacuation center?
Kasi para sa akin hindi natin pwedeng sabihin na gagawa ako ng mali, o magnanakaw ako tama naman ang aking intinsyon pero d alam na mali. Ang tama ay hindi pweding maging mali.
Pero may napanood ako na isang pinikula hindi kona maalala ang Title ng kwento.
Mag-asawa pangalanan nating mike at jane, mayroon silang isang anak siguro nasa 4 years old. Sa kwento si mike ay isang guro at si jane naman ay nagtratrabo sa isang kumpanya. Nagsimula ang kwento ng isang araw si jane ay nagkaroon ng sagutan sa kanyang boss, nang bumaba ang boss pasakay na sa kanyang sasakyan ay may nakaabang na isang tao at hinampas ito ng fire extinguisher sa kanyang ulo hanggang mamatay, nakasuot ito ng guwantis para d malaman ang finger prints nito nang mapatay na ang lalaki ay inilagay nya ito sa mismomg sasakyan ng lalaki. Inilagay ng masamang taong ang panghampas nito malapit sa sasakyan at tumakbo, nabangga panga nya si jane sa pagmamadali, natanggal panga ang boones sa damit ng killer, humingi pa ng sorry si jane pero d naman ito pinansin ng killer at patuloy parin sa paglalakad papalayo sa pinangyarihan.
Nang makarating si jane sa kanyang sasakyan na katabi naman ang sasakyan ng kanyang boss, ay nakita nya ang fire extinguisher na nasa gitna ng pintuan nya at ng kanyang boss, inakala panga nya na yung boss nya ang naglagay doon. Kinuha nya ito at inilagay sa tabi, di namalayan ni jane na nalagyan ng finger prints nya yung fire extinguisher dahil sa kanyang pagkakahawak, at naduguan ang kanyang damit galing sa hinawakan nya. Sa huli sya yung pinag bibintangan at ikinulong ng ilang mga araw for invistagation and pag nalaman na guilty ay iliipat bna sa isang bilangguan na doon inilalagay ang lahat na masamang tao o may mataas na kaso. Alam ni mike na walang kasalanan ang kanyang asawa at masisira ang kanilang pamilya sa mahabang panahon, dahil sa kasalanang di naman ginawa ni jane.
Sa kabilang banda di nawalan ng pagasa si mike, gumawa sya ng paraan ilalabas nya ang kanyang asawa bago ilipat sa malaking bilanggoan, naghanap sya ng isang tao na makakatulong sa kanya, nakiapgayos sa isang jail breaker, at ayon sa plano na tuturuan sya ng mga pamamaraan pano ilabas ang kanyang asawa na si jane. Sa huli nailabas nya ang kanyang asawa sa bilang-guan bago ilipat sa isang bilangoan. Naitakas niya ang kanyang asawa na napagkamalan, pero sa mata ng kapulisan at invistigador sya ang pumatay sa kanyang boss, at ang totoong pumatay ay gumagala parin.
Kasama ang kanilang anak sakay ng isang sasakyan pumunta sila sa ibang lugar para mamuhay ng tahimik.
Ang malaking katanungan ay, tama ba ang kanilang ginawa?
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!