"Chicken rolls"
Sangkap:
3/4 lbs. hipon, binalatan, inalis ang ugat sa likod
3 malalaking pitso ng manok, inalisan ng buto at hinati sa gitna
asin
1 tasang all-purpose flour
1 1/4 na kutsaritang baking powder
3/4 na tasang mantikilya
1/2 tasang sibuyas na mura, hiniwa nang maliit
3/4 na tasang tinadtad na parsley
mantika
Paano gawin:Lutuin at hatiin sa tatlo ang bawat hipon. Sa isang sangkalan, sa pamamagitan ng likod ng mapurol na kutsilyo o mallet, pukpukin ang pitso ng manok hanggang sa ito'y lumapad (1/4 pulgadang kapal).
Sa isang bowl, paghaluin ang hipon, mantikilya, sibuyas na mura at asin (puwedeng lagyan ng betsin kung gusto, tungkol naman sa rami ng asin na ilalagay 1/2 kutsarang pinong asin) Haluing mabuti, at bilugin ito na parang jelly roll. Tusukin ng toothpick upang huwag sumabog. Kapag nabilog nang lahat ang pitso ng manok, ilagay sa isang lalagyan, takpan at iwan sa refrigerator sa loob ng 15 minuto.
Magpainit ng maraming mantika upang lumubog ang rolls kapag ipinirito na. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang arina, asin, baking pwnder at paghaluing mabuit. Dito igulong ang chicken rolls bago iprito. Pag kulay ginto na, ilagay ang rolls sa ibabaw ng mainit na kanin, budburan ng tinadtad na parsley at lagyan ng dekorasyon.
Parating tandaan na ang pamilya na kumain ng sabay ay tumutulong sa isang pamilya na maging masaya at matatag.
For complete recipe please click: Cook Book

No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!