Kabanata IX
Nakita ko ang daan
papunta sa kabilang maliit na bundok at dalawang dangkal lang ang lawak na
aming dadaanan, at ng itiningnan ko ang lalim ay nalulula ako. Kinaumagahan
sabi ko sa kanila na sila nalang ang pumunta dahil magbabantay ako sa daan baka
may kalaban na darating. Sumangayun
naman sila, naramdaman at may narinig kaming kakaiba sa balibot parang may
nagmamatyag sa amin, nakita ni Moroni na may gumagalaw sa banda sa kaliwa sa
damuhan. At sabi nya baka mga kaluluwa ng ninunu, nang narinig ko ang salitang yun ay tumakbo
akung tumuwid sa maliit na daan papunta sa kabilang maliit na bundok. Nang
nakita nila ako na nasa kabila na ay sinabi nila na maliit na aso ang nakita
nila. Nagtaka sila bakit nakapunta na ako agad sa kinatatayuan ko, sabi ko
naman na sinisigurado ko lang na walang patibung ang daan. Sabi naman nila na
bumalik na ako para magbantay pero sabi ko naman na nagbago na ang isip ko at
sasama, sa katunayang takot na akong bumalik. Nang makatawid na sila sa daan ay
pumasok na kami sa loob. Sabi sa amin ni
Leah na sino man ang matatakot na humarap sa Ninuno ay masusunog hanggang sa
maging abu.
Pinayuhan ako ni Leah na
wag nalang tumuloy pero tumanggi ako ta nagsabing sasama ako sa kanila anung
akala nila sa akin duwag-para lang harapin ang mga ninunu. Nang marating namin ang gitna ay mayroon liwanag
na galling sa butas ng bundok na tumutuon sa may bilog na bato na ang taas nito
ay nasa talampakan. Pinalilibutan ito ng
walong kabaong sabi ni Leah na pumunta kami sa gitna, ng nakatungtung na kami
sa gitna ng bato na kung saan nakatuon ang liwanag ay nagsimula ng tinawag ni
Leah ang mga ninunu. Mga ilang minuto
ang nakalipas ay mayroong boses kaming narinig na nagsabing “sino ang tumawag
sa aming katahimikan”, boses ng pinunu nila.
Sabi ni Leah na humihingi kami ng patawad sa aming pag-abala sa
kanila. Lumitaw ang walong espirito sa
bawat kabaong. Ang isa ay biglang pumunta
sa likod ko at nagsabi sino ang pangalan mo bata. Hindi naman nakakatakot ang kanilang mukha
tulad ng isang bangkay kundi katulad din naming silang mga tao yun nga lang
wala silang katawan. Sinabi ko naman na
nagmula ako sa Isla ng Zarahemla sa Isla ng pag-asa. Tinanong ako ng espirito
kung natatakot ako sa kanila, sabi ko ng buong katapatan na hindi, mas
nakakatakot si tandang Helaman sa kanila. Biglang nagpasikat ang isa na mas
nakakatakot sya kaysa kay tandang Helaman-naguguluhan na ang pinunu nila sa
tuksuhan naming ng isa nyang kasama at nagsabing tumahimik na, tinanung nya
kami ng aming pakay.
For complete story please click Ikalimang Mandirigma Ang Unang Aklat
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!