Ito yung iniisip ko ngayon, sa isang subdivision sa lugar namin kung saan tahimik at malayo sa polution, doon kami bibili ng lupa, isang lugar na matatanaw ang bundok. Magkaroon kami ng 400 sqm na lupa, may 200 sqm na laki ng bahay up and down, sa taas ay may Tatlong room-dalawa para sa aming mga anak isa para sa amin, at isa sa office namin ni mrs. mayroong terrace para matanaw ko ang sunrise every morning, sa office may parti doon na lalagyan ko ng malaking TV na kung manunuod kami ng movies kasama ng family ko:)
Sa baba naman ay may tatlong room, dalawang room para sa aming mga parents o kapamilya na bibisita, isang room para sa aming kasama sa bahay. malaking dining area na lalagyan namin ng 12feet na table na pweding umupo ang sampong member ng family, sala, at balcony sa baba-yung balcony sa baba ang layunin ko ay kung halimbawa may bisita kami na darating and di naman mag stay for long doon lang mag stay, or halimbawa hindi pa namin nagaanan ng loob.
yung 100sqm sa 400sqm ay para sa parking lot, gusto ko isang sasakyan para sa family namin, at motor ko. At 100sqm para sa plaing ground namin ng family ko or doon din kami mag barbecue, or any events camping masaya din yun...invite din namin friends namin during week end. Ang bahay ay napapalibutan ng pader.
Masaya ako pag naiisip ko ito, yun bang nag wo-work ka din natatanaw mo yung horizon pag midyo pagod o may naiisip, hanggang ngayon nga nag iisip ako anong magandang work sa enternet, like nag blog din kumikita, sana one day matuklasan ko pano. Sana may ma meet ako na mag mentor sakin. Anyways, ganon yung part ng life na gusto ko.
Ang next part goal ko to have a two million na ipon sa banko for educational na paghahanda sa college ng mga anak ko and emergency purposes. At yung tubo nya every year ay pwede pa naming magamit sa aming renovation sa bahay. Goal korin na maroon din akong 500 thousand pesos na pera sa bahay for emergency talaga na pangangailangan, halimbawa nag karoon ng virus mga tao nanging zombie-joke! halimbawa may calamity or need talaga, o may maghiram ng pera sa amin kaibigan.
Goal ko na syempre hindi kami government employed ng wife, goal ko na mabayaran ang 10years na SSS savings nmin ng wife ko.
Pano ko ito aabutin, goal ko na magkaroon ng stable business, yung talagang amin yung lupa ang building, mag hire ako ng mga tao na talagang yung sahod ay standard, may benefits, parang their not working sakin para mabuhay ako at mamatay sila, parang isang family na kung halimbawa yung business ko ay Printing Shop lahat ng nag work ay nasa 400perday yung sahod sa amin ngayon dito sa lugar namin pag magtrabaho ka sa ganyang business 100 lang kita mo wala pang benefits yan. Kailangan din na mayroon din akong kita, halimbawa sa isang araw, 1500 ang net namin na kita sa trabaho ng isang tao parang ganon.
Yung goal kung business printing shop, apartment maganda din yun one time investment, gagawin nalang namin yung repair ng bawat appartment ones a year or if may sira.
-
sa ngayon iniisip ko na to have this is not only na masaya lang kain ng barbecue-but above all this to serve the Lord mag serve kami ng Wife ko ng 4 years as full time Missionary.
No comments:
Post a Comment
Thank you for your comment!